^

PSN Showbiz

‘Paolo at Yen, wala nang dapat iwasan’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
âPaolo at Yen, wala nang dapat iwasanâ
Yen at Paolo
STAR/ File

Kaloka na ‘yung issue kina Paolo Contis at Yen Santos hanggang ngayon ay hindi ko talaga maintindihan.

So si Paolo natapos ang relasyon kay LJ Reyes, naghiwalay. Si Yen, siguro tapos na rin sa sinasabing karelasyon niyang politician.

Nagtagpo ang dalawa, naging sila, so ano ang problema?

Hindi kasal si Paolo kay LJ, wala namang sabit si Yen sa pulitiko, eh ano ngayon kung silang dalawa na?

Anong issue dun?

Nagtataka nga ako bakit kailangan nilang magtago, o umiwas eh pareho naman silang walang commitment. Meron na ring naging anak kay Paulo Avelino si LJ, walang naging issue, kaya hindi naman siguro hahabulin ni LJ si Paolo dahil sa anak nilang si Summer.

Ganun talaga ang kapalaran nila, na-in love, na-fall out of love, nakatagpo ng iba. So bakit para bang gulung-gulo ang lahat sa mga pangyayari sa buhay ni Paolo?

Palagay ko naman kahit sino ayaw namang maging ganyan ang kapalaran, lalaki o babae, gusto mo rin ng stability sa relasyon mo. Pero ‘pag ganyan ang kapalaran mo, wala ka namang magagawa, kahit masakit para sa iyo, tuloy pa rin ang buhay.

Huwag naman tayong maging judgmental, bigyan natin ang lahat ng second chance, third o higit pa hanggang matagpuan niya ang kaligayahan para sa kanya. Hayaan nating sila mismo ang makakita ng pagkakamali nila, huwag nating unahan.

Kung ano ang gusto nina Paolo at Yen, let it be, at idasal na lang natin na sana ito na ang hinahanap nilang final journey sa lovelife nila. Kung sila, good, kung ‘di sila, ok hanap uli ng iba. Let them live the life that they want. Kanilang buhay iyon, sila ang dapat umayos ng gusto nila. Right!

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with