^

PSN Showbiz

Huwag pagkakitaan 'Aguinaldo' ng anak tuwing Pasko — Ogie Diaz sa mga magulang

James Relativo - Philstar.com
Huwag pagkakitaan 'Aguinaldo' ng anak tuwing Pasko â Ogie Diaz sa mga magulang
Litrato ng artista at talent manager na si Ogie Diaz
Mula sa Instagram account ni Ogie Diaz

MANILA, Philippines — Kinainisan ng isang kilalang komedyante at talent manager ang kultura ng ilang Pilipinong magulang tuwing Pasko — ang pagkaperahan ang ibinibigay na aguinaldo ng mga ninong at ninang sa kanilang inaanak.

Ganyan nga mismo ang viral rant ni Ogie Diaz sa isang Facebook post, Huwebes, lalo na't hindi raw siya pinaaalis ng bahay ng isang kumare sa Pasko sa dahilang mamamasko raw sila.

"Ang Pasko ay totoo namang araw ng mga bata yan. Pagbibigayan. Lalo na kung nakakaluwag-luwag ka, share your blessings. Pero yung ipamulat mo sa mga anak mo na 'kailangan kayong kumita pag Pasko,' ay hello! Wait lang, ha?" sabi niya kahapon.

"Yung kinamulatan natin nung araw na ginagawang hanapbuhay ang Pasko, ipahinga na natin, dahil masa-shoutout lang kayo sa social media pag OA na ang paghingi ng aginaldo."

 

 

Aniya, nakakainis lalo na't mataas ang expectation daw sa mga gaya nilang artista tuwing holiday season — at kung makapagbigay man, masasabihan pa ng, "Ito lang?"

Payo pa ni Ogie sa mga magulang, na halos naging social media influencer na kamakailan, alalahanin kung ano ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng ninong at ninang ang mga bata tuwing binyag.

"Siya nga ang pangalawang magulang, 'di ba? Kasi kaya mong ipagkatiwala ang anak mo sa kanya or sa oras na kailangan ng payo o gabay ng bata at di na nakikinig sa magulang, andiyan si ninong o si ninang. Kasi nga, close kayo," sambit niya.

"Kaya sa mga nagpaplano ng binyag ng anak diyan, okay na ang konting ninong at ninang, basta maaasahan."

"'Wag kayong kukuha ng ninong dahil ang gusto nyo lang eh me ninong o ninang na sikat at kilala ang anak nyo, pero di nyo naman ka-close."

Ang terminong aguinaldo ay walang kinalaman sa sinaunang Pilipinong presidente na si Emilio Aguinaldo. Literal na nangangahulugan itong "bonus" sa salitang Espanyol.

Sa mga bansa gaya ng Mexico, aguinaldo rin ang tawag sa Christmas bonus na ibinibigay sa lahat ng mga empleyado na siyang ginagarantiyahan ng kanilang batas.

CHILDREN

CHRISTMAS

OGIE DIAZ

PARENTING

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with