^

PSN Showbiz

Kahit walang trabaho, Angel nakapag-donate ng P2 million sa mga binagyo

Pilipino Star Ngayon
Kahit walang trabaho, Angel nakapag-donate ng P2 million sa mga binagyo
Angel
STAR/ File

Ibang artista hinahanapan ng resibo...

Matapos ilantad ni Kris Aquino na nagbigay si Angel Locsin ng P2 million sa kampo ni Presidentiable Leni Robredo nang pumunta ito sa headquarter nito, hinahanapan ngayon ng netizens ng ‘resibo’ ang ibang mga celebrity sa itinulong nila sa mga winasak ng bagyong Odette.

Sinabi nga kasi ni Kris na “Nagbigay po si Angel Locsin ng P2 million kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng nasalanta” nang sumama ito sa relief operation ni VP Leni sa Kabankalan City, Negros Occidental.

Marami raw kasing celebrity upload lang ang ginagawa  kung paano mag-donate, wala silang pinakikitang sila mismo ang nag-donate.

Sana raw imbes na mag-encourage sila na mag-donate ang followers nila, sila na muna ang magbigay.

Na sigurado naman ginagawa ng ibang mga artista at hindi lang nila pinag-iingay.

Like sina Richard Gutierrez and Sarah Lahbati na ayaw lang diumanong ipagsabi pero malaki na ang inilabas na pera para makatulong sa mga nabiktima sa Cebu.

Si Dingdong Dantes naman ay sinagot ang isang basher. Bwelta ng actor : “Alam mo bang itong post na ito ay nakalikom ng daang libo na dahil lamang sa isang pindot? Ilang litrong tubig para sa ilang pamayanan din ang  maaari nitong ibigay- bukod pa ra mga personal naming contribution (na hinding-hindi ko sasabihin sa iyo kung magkano at ano). Mejo “creative” tong mungkahi mo, pre. Pero ako na nagsasabi sa iyo kung magawa mong kumbinsihin na gawin yan sa mga tao (artista man o hindi) y saludo ako sa iyo. Pero sa ngayon, di ako bilib sa paraan mo.”

Meron din namang ibang influencer na mismong account nila ang binibigay para sa mga donation na napuna rin ng ibang netizens.

Oo nga naman at may pera naman siya (influencer) pero sana gamit din sila ng ibang account para later on ay hindi rin siya mag-confuse at magkaroon ng accountablity.

Anyway going back to Angel, katwiran ng fans, ang actress nga walang regular show ngayon pero ang bilis nagbigay ng P2 million.

Samantalang ‘yung ibang panay ang pakita na malaki ang kinikita sa kanilang mga vlog walang paramdam kung ano nga ba ang ginawa para makatulong sa mga nangangailangan matapos ang matinding bagyong Odette na napuruhan ang mga tourist spot sa bansa - Siargao, Cebu, Bohol and Palawan.

Samantala, pinasalamatan naman ng Philippine Coast Guard si Gerald Anderson na diumano’y nagbigay ng sako-sakong bigas at battled water.

“MARAMING SALAMAT, AUXILIARY COMMANDER GERALD ANDERSON! (Philippine flag) Kahapon, ika-19 ng Disyembre 2021, personal na hinatid ni Auxiliary Commander Gerald Anderson ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) ang unang bahagi ng kanyang donasyon para sa apektadong pamilya ng Bagyong #OdettePH,” ayon sa nakasaad sa FB post ng PCGA.

But anyway, ang importante naman talaga ay makatulong at sana imbes na mang-bash, magkawanggawa na rin lang.

ANGEL

LENI ROBREDO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with