^

PSN Showbiz

Aktres, ginawang alalay ang ex!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Ngayon na lang naglalabasan ang mga kuwento tungkol sa pagiging under ng isang male personality sa nakahiwalay niyang girlfriend na aktres.

Kayang patunayan ‘yun ng kanilang mga kasamahang artista, pati ng kanilang mga kaibigan, kayan-kayanan daw ng female personality ang kanyang dating boyfriend.

Kuwento ng aming impormante, “Naku, sa totoo lang, napakabait ng male personality na ‘yun! Puwede rin namang sobrang mahal niya kasi ang girl, kaya pumapayag siyang ganu’n-ganu’nin ng babaeng ‘yun!

“Minsan nga, e, naaawa na sa kanya ang mga friends nila, sunud-sunuran kasi ang guy sa girlfriend niya, pero okey lang sa kanya ‘yun!” unang kuwento ng aming source.

Kapag nagyayayang lumabas ang mga kaibigan ng male personality ay pahirapan bago siya makasama. Bar lang naman ang pupuntahan nila, wala nang iba pa, pero mahigpit ang female personality.

Sabi uli ng aming source, “Pero kapag ang girl ang lalabas na kasama ang mga barkada niya, e, wala namang problema sa guy, yes agad ang sinasabi sa kanya!

“Heto pa. Tama bang pati ang mismong hand bag niya, e, ipinabibitbit ng girl sa boyfriend niya? Nakakaloka! Sabi ng isang friend niya, sobra na raw ang ginagawa sa kanya ng girl, pero sagot ng male personality, okey lang daw ‘yun sa kanya!

“Hindi na raw kabaitan ‘yun, pagiging under na, sobrang pagiging kayan-kayanan na siya ng babaeng ‘yun na may kaartehan!” komento uli ng aming impormante.

Nagkahiwalay sila, maraming nalungkot sa kanilang break-up, suportado na kasi ng mga kababayan natin ang kanilang tambalan. Kumikita ang kanilang mga pelikula, mataas ang rating ng kanilang serye, sayang na sayang nga naman ang kanilang loveteam.

Balik-kuwento ng aming source, “Masakit kasi ang hiwalayan nila. Ang kuwento kasi, e, sila pa ng guy, pero meron nang iba ang girl. Negang-nega ang naging dating nu’n ng female personality!

“Ang tanong, ma-under din kaya ng girl ang boyfriend niya ngayon na kilalang-kilala sa pagiging playboy? Makaya niya kayang maging sunud-sunuran sa kanya ang male personality na niloko ang dating girlfriend para maging sila ang magkarelasyon?

“Naku, mukhang hindi! Baka itapon ng guy ang hand bag niya kapag ipinabitbit niya! Hindi niya ‘yun ma-under! Under? Hindi!” Nakairap na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Pera ni Kris, walang nagawa sa kanyang sakit

Tahimik ngayon si Kris Aquino. Maraming nagtatanungan kung ano kaya ang kanyang pinagkakaabalahan. Maraming nanghuhula na sa susunod na pag-iingay ni Kris ay ang kasal na nila ni dating Congressman Mel Sarmiento ang kanyang pasabog.

Maayos ang kanilang relasyon, tanggap sila ng magkabilang pamilya, kahit si Bimby na parang tumatayong quality control sa kanyang pakikipagrelasyon ay tanggap ang pulitiko para sa kanya.

Dasal naman ng mga tagahanga ni Kris ay madagdagan sana siya ng timbang sa darating na kasalan dahil payat na payat siya ngayon. Hugis bigas na raw ang mukha ni Kris dahil sa sobrang pagkalaglag ng kanyang timbang.

Mahirap kasi ang sitwasyon ni Kris, palaging umaatake ang kanyang allergies, milyun-milyon na ang nagagastos niya sa iba-ibang ospital para hanapin ang pinakugat ng kanyang sakit pero hindi pa rin ‘yun mabigyan ng kalapat na gamot hanggang ngayon.

Sabi ng isang kaibigan naming matagal nang naninirahan-nagtatrabaho sa Singapore, “Napakalaki ng ginagastos niya kapag nagpapa-confine siya dito. Bukod kasi sa ospital, e, umuupa rin siya ng condo unit para matirahan ng mga anak niya.

“Napakamahal dito sa Singapore, walang mura dito, kaya millions ang ginagastos ni Kris sa bawat confinement niya,” sabi ng aming kaibigan.

Pero sa kabila nu’n ay may dinaramdam pa rin si Kris, sobrang sensitibo ng kanyang katawan, napakaraming bawal sa kanya.

Kaya dapat lang siyang maging masaya ngayong sila na ni Mel Sarmiento. Ang hindi kayang pagalingin ng gamot ay kayang tapatan ng puso.

Kapag maligaya ang puso ay natatakpan nu’n ang kahit anong sakit na meron sa mundo. Si Mr. Sarmiento ang magiging gamot ni Kris, isang klase ng gamot na hindi mabibili sa anumang botika, hindi iniinom pero nararamdaman.

Nakakalungkot lang isipin na hindi kayang bilhin ni Kris Aquino ang kanyang kalusugan. Totoo na no health, no wealth, nakakalungkot.

AKTRES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with