^

PSN Showbiz

Nadine, nanawagan ng tulong para sa mga taga-Siargao, Angel mabilis umayuda

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Nadine, nanawagan ng tulong para sa mga taga-Siargao, Angel mabilis umayuda
Nadine
STAR/ File

Bagong weatherman at meteorologist ng ABS-CBN news, sakto sa Odette

May bagong tagapag­hatid ng impormasyon ukol sa lagay ng panahon sa TV Patrol at ito ay si ABS-CBN News weatherman at resident meteorologist na si Ariel Rojas.

Naka-one week na bilang Kapamilya si Ariel matapos siyang ipakilala ng TV Patrol anchor na si Henry Omaga-Diaz sa mga manonood.

Bumuhos naman ang suporta para kay Ariel kasama na rito ang Patrol anchors na sina Karen Davila at Bernadette Sembrano.

Kaya nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng ABS-CBN at publiko.  “Thank you, everyone, for the overwhelming support and well wishes! Sorry, ‘di ko kayo maiisa-isa, but know that I am deeply humbled and challenged to do well. Ma, I hope you’re smiling up there,” tweet ni Ariel.

Ayon naman kay ABS-CBN News head Ging Reyes, mahalaga ang papel ni Ariel bilang resident meteorologist. “Importante na maihatid ang wastong impormasyon tungkol sa panahon nang mabilisan upang maligtas sila sa peligro,” pahayag ni Ms. Reyes.

Nagsilbi si Ariel bilang weather specialist ng PAGASA sa loob ng apat na taon. Nakapagtapos siya ng kursong Food Technology sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng Master’s Degree sa Meteorology sa UP bilang iskolar ng PAGASA. 

Ibinahagi ni Ariel na lubos niyang naiintindihan ang kahalagahan ng impormasyon sa panahon dahil lumaki siya sa Catanduanes na laging natatamaan ng bagyo.

Sakto ang pasok ni Ariel dahil katatapos nana­lasa ng bagyong Odette na Rai ang international name at isa sa sinasabing world’s strongest storms.

Sa Siargao unang nag-landfall ang nasabing bagyo at ngayon ay libo-libo na ang inilikas. Siyam na beses itong tumama sa lupa.

Grabe ang pinsala sa Siargao at Cebu kaya maging si Nadine Lustre ay nanawagan ng tulong para sa mga taga-Siargao. “People will need food, shelter, clothes, medicine supplies, sanitary supplies, drinking water - anything will be a great help as of this time,” ang IG story ni Nadine na recently lang nag-relocate sa nasabing isla halos kasabay ng paglalabas ng official joint statement ang Viva Artists Agency at kampo ng sexy actress na exclusive siya sa Viva until December 31, 2029.

Category 5 ang tumama sa Siargao at Cebu kaya’t naputol ang electricity at matagal-tagal ding nawalan ng communication ang lahat doon.

Kasalukuyan namang andito sa Manila ang pamilya nila ni Andi Eigenmann kaya hindi sila inabutan sa Siargao ng matinding bagyo pero nanawagan din siya ng tulong para sa kanilang lugar.

Maging ang lugar sa Cebu ni Miss Universe Philippines Beatrice Luigi Gomez ay nahagupit din ng Odette.

Si Angel Locsin naman ay agad na pumunta sa headquarter nina Presidentiable Leni Robredo and Vice Presidentiable Kiko Pangilinan para magbigay ng tulong.

Nag-uumpisa pa lang sanang makabawi-bawi ang ating bayan sa pandemya, pero ito naman ang matinding epekto ng bagyo.

ABS-CBN

ANGEL

NADINE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with