^

PSN Showbiz

Female singer pinagkakaperahan lang ng non-showbiz bf na may ibang karelasyon

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Muling sumulpot ang terminong ghosting. ‘Yun ang pinausong salita ng isang kilalang male personality na habang umaasa ang isang magandang female personality na sila pa rin ang magkarelasyon ay hindi na pala.

May bago na kasing pinagkakaabalahan ang male personality, isang maganda ring babaeng personalidad, ‘yun pala ang dahilan kung bakit bigla na lang hindi nagpakita ang lalaki sa kanyang girlfriend.

May bagong bersiyon ng ghosting ngayon. Ang mga bumibida sa kuwento ay isang kilalang female singer, ang kanyang non-showbiz boyfriend, at ang inanakan nitong babae.

Kuwento ng aming source, “Huwag na tayong magtataka kapag bigla na lang nagsalita at humarap sa mga camera ang isang babae para ikuwento kung paano siya na-ghosting ng boyfriend niya nu’ng magkakilala na sila ng female singer.

“Nakakalungkot ang kuwento. May anak sa girl ang boyfriend ng female singer, malinaw na ma­linaw na sila pa rin ang magkarelasyon, pero bigla na lang nawala ang lalaki.

“’Yun pala, e, nagkakaigihan na sila ng female singer, sila na ang magkasama, kaya hindi na pinupuntahan ng guy ang ina ng anak niya!

“Naku, malaking problema ang maeengkuwentro ng female singer kapag nagkataon. Ang alam niya kasi, e, totoong nagkaanak ang guy sa mga ex niya, pero hindi alam ng singer na meron pa palang karelasyon ang lalaki nu’ng maging sila!” unang rebelasyon ng aming impormante.

Ang huling balita ay may mga kaibigan ng babae ang nagtutulak sa kanya para ireklamo sa isang programa ang non-showbiz guy at ang kilalang female singer.

Patuloy ng aming source, “Nagpakatotoo raw sa kanya ang guy, meron na raw siyang mga anak sa dati niyang karelasyon, ‘yun lang ang alam ng female singer. Hindi sinabi sa kanya ng guy na meron pa siyang karelasyon nu’ng magkakilala sila.

“Hindi muna inayos ng guy ang mga dapat ayusin bago niya sineryoso ang female singer. Nakakaawa naman ang singer na umaasang siya lang ang babae sa buhay ng boyfriend niya!

“At heto pa. Ni hindi kuno makapagsuporta sa mga anak niya ang guy dahil maliit lang naman ang kinikita niya sa trabaho. Ano ang ibig sabihin nu’n, kinarelasyon niya ang female singer para lumuwag ang kabuhayan showcase niya?

“Nakakaawa naman ang female singer, hindi pa naman siya dapat ma-stress ngayon dahil sa kundisyon niya! Hay, tumaya siya sa maling kabayo!” naiinis na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Coco At Julia, huling-huli ang lambingan sa video ni Sharon

Kung meron mang pagkakamali si Sharon Cuneta sa pagpo-post sa kanyang IG ng naganap sa set ng Ang Pro­binsyano habang nagkakasiyahan ang buong cast pagkatapos ng kanilang trabaho ay honest mistake ang maitatawag du’n.

Wala siyang masamang intensiyon, hindi niya ginustong bukingin ang paglalambingan nina Coco Martin at Julia Montes, isang kaswal lang na pagsasaya ‘yun ng grupo.

Abalang-abala si Sharon sa pagkanta, malay ba naman niya na mahahagip pala ng camera ang pag-aakbay ni Coco kay Julia na may pahaplos-haplos pa, hindi niya kasalanan ‘yun.

Nagpakatotoo lang ang camera, pinatunayan lang ng mga tagpong ‘yun ang relasyong Coco-Julia, na matagal na panahon na nilang hindi inaamin.

Wala na silang maili­lihim, napakarami nang nakakaalam ng mga detalye ng kanilang relasyon, nadagdagan pa ‘yun ng huling-huli ng camera na paglalambingan nila.

Nagpahayag din si Sharon sa kanyang post na sa lahat daw ng mga mas nakababatang artistang nakasama niya nitong mga huling panahon ay para siyang nananalamin kay Julia Montes.

Bungisngis daw ang aktres, mabait at maga­ling umarte, papuri pa ng Megastar. Maraming nagkomento sa social media na malayo sina Sharon at Julia sa isa’t isa kung ang personal nilang buhay ang pagkukumparahin.

Sabi ng isang nagkomento, “Hindi sila magkapareho. Hindi denial queen si Sharon, hindi siya sinungaling! Inaamin ni Mega ang pakikipagrelasyon niya!

“Kahit nga nu’ng ipagbuntis niya si KC, e, inamin niya! Hindi niya idinenay! Bakit, si Julia ba, umaamin tungkol sa relasyon nila ni Coco?

“Hindi! Puro pagtatago ang ginagawa niya! Pareho lang sila ni Coco, they deserve each other, mga sinungaling sila!” sabi nito.

Meron ding nagbigay ng reaksiyon na kung si Sharon nga, Megastar na, pero nagpapakatotoo pa rin sa publiko. ‘Yun daw ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay sikat na sikat pa rin ang actress-singer at mahal na mahal ng mga kababayan natin.

Sabi nito, “Alam kasi ni Sharon na publiko ang sumuporta at nagpasikat sa kanya, kaya kailangan niyang magpakatotoo. Utang na loob niya ‘yun sa mga tao.

“Alam ba ‘yun nina Coco at Julia? Binigyan din sila ng suwerte sa pag-aartista nila, pero bakit sila nagdedenay sa mga sumusuporta sa kanila, kahit buking na buking na sila?”

KC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with