^

PSN Showbiz

Paolo sumagot sa kumakalat na preggy si Yen!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo sumagot sa kumakalat na preggy si Yen!
Yen at Paolo
STAR/ File

Tuwang-tuwa si Paolo Contis nang nakarating sa kanya ang balitang ang pelikulang A Faraway Land nila ni Yen Santos ang nag-number one Pinoy film na ipinalabas sa Netflix ngayong 2021.

Sa overall ranking, nasa number 6 ito, dahil ang nasa top 5 ay ang pelikulang Army of the Dead, We Can Be Heroes, Red Notice, Army of Thieves at Kate.

Ang ilan pang mga Pinoy films na nasa top movies ng Netflix ay ang My Amanda at A Girl and a Guy.

Pinag-uusapan noon na gagawan nila ng part two, pero ewan ko lang kung itutuloy pa nila ito.

Pero tuloy pa rin ang ilang pelikulang naka-line up kay Paolo na maaring sisimulan niya sa first trimester ng taong 2022.

Meron daw dapat siyang gagawing kukunan sa Canada, pero baka hindi na raw matuloy.

Ang isang posibleng sisimulan ng Kapuso actor ay ang isa pang movie project na kukunan sa Japan.

Sabi naman ng line producer ng Heaven’s Best Entertainment na si Dennis Evangelista, pursigido pa rin daw si Harlene Bautista na gawin ang isang pelikulang pagbibidahan ni Paolo na kukunan ang kabuuan sa Italy. At excited din diyan ang aktor.

Ang gusto raw sana nilang i-partner ay ang aktres mula sa Kapamilya channel.

Pero sa ngayon ay kuntento na muna si Paolo sa mga ginagawa niya sa GMA 7.

Maganda ang feedback sa ginagampanan niyang si Mikoy sa I Left My Heart in Sorsogon, at meron pa siyang Bubble Gang.

Excited na rin daw siyang bumalik sa All-Out Sundays na baka kasama na siya sa susunod na taping.

Mabuting tahimik na lang daw muna siya at sana tapos na raw ang mga isyung kinasangkutan niya.

Pero sinasabi ko naman sa kanya na mukhang hindi pa mangyayari ‘yan dahil hanggang ngayon ay sinusubaybayan pa rin ang isyu nila ni Yen Santos.

Ang latest pa ngang kumalat ay buntis daw si Yen na malabo naman daw mangyari iyun, reaksyon ni Paolo.

“Tinanong din sa akin ni Ogie (Diaz) ‘yan.

“May nag-blind item daw eh. Hula lang nila si Yen,” text niya sa akin.

David, nagpaalam sa kanyang Ate Korina bago tinanggap ang Mano po...

Hindi ako sure kung ano talaga role ng character actor/director na si David Chua sa programang Rated Korina ni Korina Sanchez-Roxas.

Sa pagkakaalam lang namin, ilang buwan na rin  siyang nagtatrabaho sa naturang tele-magazine show bilang direktor at minsan ay siya rin ang nagka-camera sa mga coverage ni  Korina.

Madalas silang magkasama sa mga shoot sa iba’t ibang lugar na kinu-cover ni Korina,

Siya na nga raw ang direktor sa ilang segments ng naturang programa.

Pero nang tinanong ko naman ang mga taga-Brighlight Productions guest lang daw sa programang iyun si David. Kaya kung merong ibang project na gustong gawin ni David ay puwede naman niyang iwan.

Kaya bilang guest nga siya, puwede siyang umalis at babalik na lang kung kailangan siya sa Rated Korina.

Kaya wala na nga raw muna si David sa  programa ni Madam Korina dahil balik-acting na raw siya sa bagong drama series ng Regal Entertainment at GMA 7 na Mano Po Legacy.

“Nagpaalam po muna ako sa aking boss na si Ate Korina Sanchez-Roxas na kung pupuwede mag-on cam muna ako kasi direktor nila ako, isa ako sa mga direktor nila sa Rated Korina eh.

“Pinayagan naman nila ako. Sige, habang may oportunidad ka, gawin n’yo muna yung show na Mano Po.

“Anytime naman daw na kapag walang taping, makapag-shoot naman ako ng segment ng kabila po,” pahayag ni David.

Masaya siya na kasali siya sa Mano Po, at first project nya ito para sa GMA 7.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with