^

PSN Showbiz

Sikat na komedyante, takot masapawan at maagawan ng kanyang trono

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Bakit kaya ayaw magpahinga ang kuwento tungkol sa isang kilala at magaling na male personality? Kalat na kalat ang kuwento na kahit halos nasa kanya na ang lahat ay inaatake pa rin siya ng insekuridad.

Kung talento ang pag-uusapan ay walang makakukuwestiyon sa husay ng pamosong male personality, magaling siya kung sa magaling, kaya nga lang ay may kakaiba siyang ugali.

Kuwento ng aming source, “Magaling talaga siya, saka nagawa niyang ma-maintain ang presence niya sa linyang kinabibilangan niya. Ang ibang mga kasabayan niya, e, nangawala na, pero siya, nand’yan pa rin at kilalang-kilala pa.

“May mga nagsasabing may kasupladuhan ang male personality, ‘yun ang reklamo sa kanya ng mga kababayan nating nakakakita sa kanya sa labas, hindi kuno siya namamansin!

“Kabaligtaran daw ‘yun ng mga ginagawa niya sa TV, hindi raw siya nice in person, pero mas pinag-uusapan ang pagiging insecure niya!” unang kuwento ng aming impormante.

Rebelasyon ng isang kilala ring komedyante ay magkakaroon sana sila ng kanyang partner ng show sa network kung saan matagal nang nagseserbisyo ang pamosong comedian.

May kuwento tungkol du’n ang aming source, “May mga nakausap nang executive ang mag-partner, pinaghahanda na sila ng kung anong atake ng show ang gagawin nila.

Nag-abala naman ang mag-partner, nagsunog talaga sila ng kilay sa pag-iisip ng mga gusto nilang brand of comedy na gusto nilang ihain sa mge televiwers.

“Pero nu’ng matatapos na nila ang lahat, biglang may tumawag sa kanila na huwag na muna silang magmadali. Huwag daw silang ma-pressure, dahil matatagalan pa bago sila makapagtrabaho sa network.

“Natural, nagtanung-tanong ang partners kung ano ang nangyari. Hanggang sa may nakapagsabi sa kanila na ang humarang ng project nila, e, ‘yung magaling na komedyante.

“Ayaw pala niya sa ganu’n. Ayaw niyang magpapasok sa network ng mga komedyante, kailangang siya lang ang maghari sa istasyon, walang iba.

“Ganu’n din pala ang nangyari sa isang stand-up comedian na magkakaroon sana ng show sa network, pero biglang naudlot, ang magaling na komedyante rin pala ang dahilan nu’n!

“Imagine, nasa kanya na ang lahat, sikat na sikat na nga siya at kumikita nang malaki sa network, pero inaapuntahan pa rin pala siya ng insecurity?

“Siya na ang nagsusulat, siya pa ang umaarte, ayaw pa ba naman niya ‘yun? Napakaramot naman niya!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Bea, mas abala na sa pagbubukid

Hindi kami nagsasawang tutukan ang vlog ni Bea Alonzo tungkol sa kanyang Beati Farm sa Zambales. Sinusundan namin ang bawat kuwento niya tungkol sa naipundar niyang malawak na lupain.

Napakaganda ng kanyang farm, si Mommy Mary Anne at ang kanyang stepdad ang puring-puri ni Bea kung paano natupad ang kanyang pangarap, masipag si Ronald na katuwang ng kanyang ina sa pagpapaganda ng kanyang farm.

Nakakatuwa ang kuwento ni Mommy Mary Anne nu’ng minsang bumagyo, “Nabuwal ang pitong puno ng mangga, iyak ako nang iyak! Imagine, ganito lang sila kaliliit nu’ng itanim namin, tapos, nu’ng malalaki na, e, biglang ibinuwal sila ng bagyo!

“Pumasok ako sa kuwarto, iyak ako nang iyak! Lumabas na lang uli ako nu’ng masuhayan na nila at maitayo ang mga puno!” kuwento ng dakilang ina ni Bea.

Ayon kay Bea ay tanggap niya ang katotohanan na ang pagpa-farm ay parang buhay rin ng tao. May mga darating na pagsubok, pero ang mahalaga ay tuloy ang buhay, hindi tayo dapat sumuko.

Nagtanim ng calamansi si Bea nitong huli, nagpundar na rin siya ng mga makinaryang pambukid tulad ng traktora, namitas siya ng mga gulay sa bakuran at nagluto siya ng pakbet.

Sa susunod ay magluluto naman siya ng ginataang tilapya na mahuhuli lang sa kanilang bakuran, tuturuan siyang magluto ni Mommy Mary Anne, PWD na ang ina ni Bea.

Napakasarap niyang magmahal, ang CR ng kanyang ina ay ipinadisenyo niya para sa isang hindi na nakapaglalakad, may konkretong upuan sa paliguan ng kanyang mommy.

Napakaganda rin ng ipinatayong bahay ni Bea sa Beati Farm, kitang-kita ang kaligayahan sa kanyang pagkukuwento na kapag gumigising siya ay sinasalubong siya ng sariwang hangin, habang iniikutan niya ng tingin ang mga puno ng mangga sa bintana.

‘Yun ang katuparan ng pangarap ni Bea Alonzo. Ginamit niya ang kanyang pinaghirapan sa pagbili ng mga ari-ariang puwede niyang asahan kapag gusto na niyang magpahinga sa pag-aartista. Ganu’n din katindi ang pasasalamat niya sa kanyang ina na naging susi sa tagumpay ng kanyang farm.

Walang kasingsarap ang buhay sa bukid. Sariwang hangin, mga sariwang pagkain, isang kapaligirang parang dinisenyo bilang pampalimot sa mga problemang bumabagabag sa atin.

BEA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with