^

PSN Showbiz

Belle, todo ang ningning bilang bagong OPM darling

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Belle, todo ang ningning bilang bagong OPM darling
Belle.

Suwerte ng young star na si Belle Mariano.

Pagkatapos ng matagumpay nilang series ni Donny Pangilinan na He’s Into Her at tapos na rin ang movie nilang Love Is Color Blind at mapapanood sa Dec.10, heto at makulay ang tunog ng debut album niya na Daylight na inilabas ng Star Pop label ng ABS-CBN at napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital music platforms.

Mula nga sa tagumpay ng hit single niyang Sigurado na ngayon ay may halos 12 milyong streams na sa Spotify at mahigit 5.8 milyong music video views, mas makikilala pa si Belle bilang pinakabagong pop-alternative sweetheart na maipagmamalaki ang malamig niyang boses sa bawat kantang inaawit niya.

Bukod sa Sigurado, kasama rin sa Daylight ang anim pang orihinal na kanta na magaang pakinggan. Lahat ng kanta sa album ay ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos at ang ilang mga kanta rito ay sinulat pa ng mga kapwa young artist ni Belle.

Kasama rito ang Rainy Days na isinulat ni Sab, For Your Eyes Only na isinulat ni Trisha Denise, at Rise na komposisyon ni Jayda. Mapapakinggan din sa album ang mga awiting With You, Tanging Dahilan, at Nights of December.

Simula nang bumida sa coming-of-age romcom series na He’s Into Her ngayong 2021, nagtuluy-tuloy na ang tagumpay ni Belle sa kanyang career.

Dapat ding abangan ang kauna-unahang virtual concert ng Kapa­milya star sa Enero 29, 2022 handog ng ABS-CBN Events at Star Pop. Mabibili na ang tickets sa Daylight : The Concert sa KTX.

Kauna-unahang Kusina Kween, kokoronahan ng Cinema One

Panahon na para magpasiklaban ang home cooks ng mga paboritong pamaskong handa nila sa Noche Buena Challenge ng Cinema One, kung saan pwedeng manalo ng P50,000 at maging kauna-unahang Cinema One Kusina Kween.

Bukas ang Kusina Kween: The Noche Buena Challenge Promo sa lahat ng mga nanay, tita, at ate edad 18 hanggang 55 years old na nakatira sa Pilipinas at gustong ibahagi ang pina-level up nilang Noche Buena recipes.

Para sumali, kailangan lang maghanda ng 1 to 3 minute cooking video na naka-landscape format at may magandang video at audio quality. I-submit ito sa bit.ly/C1KusinaKween hanggang Dis. 31 (Biyernes).

Ang makakakuha ng pinakamataas na score mula sa judges na sina of Vanjo Merano ng Panlasang Pinoy and Chef Tatung Sarthou ang mag-uuwi ng P50,000 cash prize at isang air fryer mula sa Kyowa.

vuukle comment

BELLE MARIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with