^

PSN Showbiz

Erik, hindi nanghinayang kay Angeline

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Erik, hindi nanghinayang kay Angeline
Erik.

Nagbigay ng reaksyon si Erik Santos tungkol sa ginawang pag-amin ni Angeline Quinto kamakailan. Naibahagi kasi ng dalaga sa publiko na mayroon na siyang bagong kasintahan ngayon. “Matagal ko na pong alam ‘yon. Kaso lang kasi ako, I never asked her. Kasi parang nahihiya rin ako mag-ask. So hinintay ko lang po siya na magsabi sa akin about do’n sa boyfriend niya,” bungad ni Erik.

Wala naman daw naging problema sa singer nang ipagtapat ni Angeline ang tungkol sa nobyo nito. “No’ng in-open up niya sa akin, okay naman po. Wala naman pong problema. Saka kami naman ni Angeline, na-build na namin ‘yung friendhip namin na kahit anong mangyari. Palagi kaming nandiyan para sa isa’t isa,” giit niya.

Matatandang nagkaroon din ng espesyal na ugnayan sa pagitan nina Erik at Angeline ilang taon na ang nakalilipas. Hindi naman umano nakaram­dam ng panghihinayang ang binata at sa halip ay masaya para sa buhay pag-ibig ni Angeline sa kasalukuyan. “Medyo nag-isip, wala naman pong panghihinayang. Nag-isip lang na, ‘Okay meron na.’ Masasabi ko na we tried naman. Kapag hindi siguro ukol, hindi talaga para sa ‘yo. May mas magandang plano si Lord para sa atin,” makahulugang pagtatapos ng singer.

Luis, may natutunan kay Jake 

Nagsimula sa show business si Luis Hontiveros noong 2016 bilang isa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother: Lucky 7 Edition. Mula noon ay nagkaroon na rin ng ilang mga proyekto ang binata. Masayang-masaya si Luis dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapagbida na para sa pelikulang Palitan na mapapanood simula ngayong Dec. 10 sa Vivamax. “It’s God’s timing na lang din. I think I wasn’t ready yet before noong nagsisimula ako sa industriya. I wasn’t confident enough with my craft. To be honest paglabas ko (mula sa PBB) hindi ko pa alam kung saan ako mapupunta dahil hindi rin ako marunong kumanta, sumayaw, o umarte during that time,” pagbabahagi ni Luis.

Bilang paghahanda ay pinagsumikapan umano ng aktor ang iba’t ibang pag-aaral para mapagbuti ang kanyang trabaho. “Inaral ko lang talaga ‘yung pag-arte. I’ve been really studying the craft, honing my craft. Ayaw kong sumabak sa giyera ng wala akong bala. Gusto ko makilala ako bilang aktor. Gusto ko makakuha ng respeto bilang aktor,” giit ng binata.

Para kay Luis ay malaki ang naitulong ni Jake Cuenca pagda­ting sa pag-arte dahil sa mga naituro ng huli sa kanya noon.  Natuto rin umano ang baguhang aktor nang makatrabaho noon si Yayo Aguila sa isang eksena. “Si Jake Cuenca, he was very generous friend, and as an actor talagang nag-meet up pa kami sa labas. Sa Rockwell that time, tapos we sat down, had a couple of drinks while he was helping me dissect my character. Tapos nakaeksena ko sa kontrabida role na ‘yon was ate Yayo. Na-feel ko talaga na ito ‘yung acting. Talagang iba ‘yung binigay niya doon sa eksena na ‘yon,” nakangiting kwento ni Luis. Reports from JCC

ERIK SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with