^

PSN Showbiz

Pinipikon ng bashers!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Parang ayaw talagang tigilan ng bashers si Vice Ganda kaya naman lagi itong may patama sa bashers. Siyempre, enjoy rin sila na napapansin, kaya laging pinipikon si Vice. Kung ‘di ito pinatulan ni Vice baka tapos na ito at nagsawa na, dahil ignored sila. Pero hayun nga, tuluy-tuloy pa rin dahil sagot, balik ang nangyayari.

Sabagay, mental exercise rin at pang-alis boredom ito kaya siguro pinatulan ni Vice.

Pero kung constructive naman ‘yung sinasabi, ok lang, huwag lang sanang bastos. Habang nasa social media talaga, hindi ka nila titigilan. Kaya either ituloy mo o iwanan mo, nasa iyo ang desisyon.

Basta ako, IG lang outlet ko, dahil nag-e-enjoy ako. Saka lahat naman tanggap ko, ang kapal kasi ng pasensiya ko, hah hah hah. Enjoy kami pare-pareho, friends ko na nga bashers ko, kasi, kanya-kanya kaming space, at enjoy kami.

Edu at Cherry Pie, pinatunayang walang pinipiling edad ang pag-ibig

Cute naman ng kilig moments nina Edu Manzano at Cherry Pie Picache. Kaloka na 66 years old si Edu at 50+ si Cherrie Pie pero ang mga posting, kilig moments ha.

Marami naman ang masaya sa nabuong relasyon ng dalawa, natuwa na para bang mga batang in love ang drama nila.

Siyempre happy ka na sa edad nila nakatagpo pa rin sila ng magmamahal sa kanila. Para ngang perfect timing dahil mature na sila nang ma-discover nila na meron palang chemistry sa kanilang dalawa. Mga mature na rin ang kanilang mga anak na tiyak na matatanggap ang anumang mamamagitan kina Edu at Cherry Pie.

Sana nga maging start ito ng bagong kabanata sa buhay nilang dalawa.

Talagang patunay na love is for all ages. Kilig na kilig sa bagong loveteam, ang Edu/Cherry, bongga ‘di bah!

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with