^

PSN Showbiz

Nora, NR pa sa pagkabasura ng kanyang partylist

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nora, NR pa sa pagkabasura ng kanyang partylist
Nora.

Wala pa ring ibinibigay na pahayag ang original Superstar Nora Aunor o kahit ang kampo niya kaugnay sa pagkabasura ng partylist niyang NORA A o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

Kasama ito sa 107 na partylists na na-deny ang kanilang motion for reconsideration. Kaya hindi na ito makakasali sa raffle sa COMELEC.

Noon pa man ay may narinig na kaming nanganganib itong partylist ni Ate Guy dahil nakukuwestiyon na raw kung para saan talaga ang niri-represent nito at wala pa raw naipapakitang may nagawa sa ilang sector ng lipunan.

Ilan sa mga kongresista ang natanong namin tungkol dito, at umaayon sila sa ginagawa ng COMELEC na dapat ay pag-aralan nila ang bawat partylist na nag-file ng kanilang candidacy para sa 2022 elections.

Sinasabi ng ilang may ilan daw kasing nakaupo sa Kongreso na hindi mo alam kung para kanino talaga ang niri-represent nila.

Sabi nga ni Cong. Niña Taduran ng ACT-CIS na partylist na nag-number one nung 2019 elections, kailangan naman daw talagang rebisahin at repasuhin ang mga partylist na gustong pumasok sa Kongreso. “Kasi ‘pag sinabi kasing partylist dapat marginalized sector. Niri-represent mo ‘yung marginalized. Kaya nga binibiro ko ‘yung mga kasamahan ko sa Congress. Ako talaga ang totoong marginalized sector. Kasi sabi ko, na-experience ko ‘yung P3,500 na suweldo sa media. Pero at that time siyempre, minimum pa ‘yung 3,500,” saad ni Cong. Niña.

Tumaas ang kilay ng ilan sa partylist ni Mocha Uson na Mot­hers for Change. Sa pagkakaalam ko naka-pending pa ang motion for reconsideration nito.

Joaquin, naaktuhan ng yaya

Hindi nga natuloy ang showing ng Yorme: The Isko Domagoso Story nung Dec. 1, at sa Jan. 26 next year na raw ito ipalalabas sa mga sinehan. Sa Dec. 15 naman nakatakda ang showing ng pelikulang Caught in the Act na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso, anak ni Yorme, na sinulat at dinirek ni direk Perry Escaño.

Kung hindi man natuloy ang showing ng pelikula na naglalahad ng kuwento ng buhay ni Mayor Isko Moreno, ang pelikula naman ng anak niyang si Joaquin ang bale kauna-unahang local film na ipalalabas sa mga sinehan ngayong pandemya.

“Glad ako na mapapalabas na po ‘yung movie namin. Pero hindi naman po sa mas masaya ako or mas malungkot ako na mauna ‘yung movie ni Papa o hindi. Pero happy ako na maipapalabas naman pala siya,” pakli ni Joaquin nang humarap ito via Zoom sa World premiere ng Caught in the Act na ginanap sa Cinema 5 ng Gateway nung nakaraang Sabado.

Nakakatuwang kapana­yamin si Joaquin dahil talagang napakatotoo niyang sumagot. Hindi siya nahihiyang i-share ang experience niya nung na-caught in the act siya. Last year lang daw ito nangyari nang nahuli siya ng yaya niya sa kanyang kuwarto. “Ganito po kasi. May ginagawa ako sa kuwarto ko, akala ko locked ‘yung door. Sa room lang po ako, nag-a-iPad po ako privately, akala ko locked ‘yung door, biglang pumasok ‘yung yaya ko hawak-hawak ‘yung mga damit. Wala akong magawa. Sinara na lang po niya ulit. End of story,” nakangiti niyang kuwento na alam na natin siyempre kung ano ang ginagawa niya habang may pinapanood siya sa kanyang iPad.

 Aminado rin siyang may pressure talaga sa kanya ang maging isang anak n Mayor Isko Moreno. “Ang dami pong mga taong nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi mapi-pressure?” diretso niyang sagot.

vuukle comment

NORA AUNOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with