_ngayon
^

PSN Showbiz

Andi, inspirasyon ni nadine

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Andi, inspirasyon ni nadine
Nadine
STAR/ File

Gusto ko ‘yung attitude ni Nadine Lustre ha. ‘Yung gusto niyang tumira sa Siargao, talagang dinala niya ang pamilya niya roon. Para bang basta naisip niya, ginagawa niya.

Hindi siya gaya ng ibang mga artista na nagsasabing gusto nila ng provincial life pero wala namang ginagawa.

Kagaya ni Piolo Pascual na nagsabing gusto niya ang simple na buhay sa probinsiya, at ngayon doon siya nakabase, ganundin si Nadine, gusto niya ang island life, hayun siya nandun na.

Marami rin sigurong na-inspire sa buhay na tahimik ngayon ni Andi Eigenmann, island lady na rin siya na simple ang kapaligiran. Pati mga anak niya, mukhang adjusted na kung saan sila nakatira ngayon.

Bongga ‘yung back to basic na thinking ng mga star sa ngayon, pinapakita na kahit saan puwede silang lumigaya, at puwede ring mabuhay nang simple.

Mukhang ito na ang magiging trend sa ngayon.

Mark, walang oras na sinasayang

Isa sa iboboto ko sa pagka-senador ay si Mark Villar. Talagang kita mo ang naging trabaho niya at serbisyo mula pa noon hanggang ngayon.

Kitang-kita mo ang sipag at tiyaga sa kanya na siya niyang namana sa father niyang si Sen. Manny Villar. Talagang walang oras na nasasayang sa kanya, maganda ang kanyang time management.

Saka sa lahat halos ng public officials siya ang masasabi mo na tunay na dedicated na family man, mapagmahal na asawa at father sa kanyang anak.

Basta, kahit anong sabihin ninyong lahat, nasa listahan ko ng mga senator na iboboto si Mark Villar, hindi siya maalis o mabubura, nandiyan na siya.

NADINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with