^

PSN Showbiz

Chie, inaming may special bond kay Kyle Andrea, mas gustong napapagod

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Chie, inaming may special bond kay Kyle  Andrea, mas gustong napapagod
Chie Filomeno
STAR/ File

Ikinagulat ni Chie Filomeno ang pagkakaroon ng mga tagahanga nila ni Kyle Echarri sa pagiging housemates ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10. Parehong nakalabas na ang dalawa mula sa pinakasikat na bahay sa bansa. “Nakita ko nga na sobrang dami ng fan videos. And parang may nabuo na ‘KyChie’ dito sa labas. Never pa po kami nag-meet outside. Nakapagtrabaho kami pero Zoom. At boses ko lang po ‘yung ginamit do’n sa series, sa Click, Like and Share. Sa ASAP, hi-hello lang po,” nakangiting kwento ni Chie.

Inamin naman ng aktres na nagkakausap na sila noon pa man ni Kyle sa pamamagitan ng private messages sa Instagram. Ayon pa kay Chie ay talagang sweet sa kanya ang kctor kahit hindi pa sila nagkakasama sa PBB. “’Yung pinag-uusapan po namin sa loob, Finsta, private Instagram po. Doon ko po pino-post ‘yung mga hindi ko ma-post sa public account. Ito ‘yung very personal lang and then magme-message po siya na, ‘You got this, Chie!’ as in super sweet talaga siya na nandiyan siya for me. Kahit hindi pa po kami magkakilala at all or nakakapag-hangout sa labas. Parang naging madali lang makapag-open up sa kanya kasi outside pa lang, very welcoming na siya,” pagdedetalye ng dalaga.

Nakaranas umano nang pamba-bash si Chie mula sa mga masugid na mga taghanga ng tambalan nina Kyle at Francine Diaz. “I really respect din ‘yung love team ni Kyle na KyCine. Pero ‘yung sa amin ni Kyle, hindi ko siya masasabing love team. It’s a special bond that we have na kami lang nasa loob (ng PBB house) ang makakaintindi also. Nirerespeto ko po ‘yung nararamdaman ng fans ni Kyle also,” paliwanag ng aktres.

 

Mapapanood na simula ngayong Sabado sa iQiyi ang Saying Goodbye na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Bukod sa naturang serye ay tampok din ang tambalang SethDrea sa musical series na Lyric and Beat na mapapanood na sa susunod na taon.

Masayang-masaya sina Andrea at Seth dahil hindi nawawalan at sunud-sunod ang kanilang mga ginagawang proyekto. Matatandaang katatapos pa lamang din ng Huwag Kang Mangamba noong Nov. 12 kung saan nagbida rin ang dalawa. “Mahirap isipin na sunud-sunod, walang pahinga, pero kapag gusto mo ang ginagawa mo, hindi isyu ‘yon. Kapag gusto mo ang ginagawa mo, ‘pag gigil ka na magawa ang isang bagay kahit ano pa ‘yan, kahit saan ka dalhin, kahit sabihin natin araw-araw ka magtrabaho, kapag gusto mo talaga, hindi mo maiisip ‘yon. At ‘yon ako, ‘yun ang mind set ko kasi. Buti nga walang pahinga kaysa naman puro pahinga,” paglalahad ni Seth.

Para naman kay Andrea ay hindi rin siya nakararamdam ng pagod kahit na kabi-kabila ang kanyang ginagawang trabaho.

Ayon sa aktres ay ang kanyang mga bayarin ang ginagawang motibasyon upang mas pagbutihin pa ang pagtatrabaho. “Mas gusto ko na napapagod ako kaysa sa nagpapahinga ako. Totoo rin naman kapag gusto mo ang isang bagay kahit mukhang nakakapagod siya, kasi inaamin ko physically napapagod din ang katawan ko kasi tao lang ang katawan ko pero ang fighting spirit ko nandiyan pa rin. Kapag gusto mo kasi ang isang bagay kahit gaano kabigat ‘yan ang gaan-gaan para sa iyo na gawin. Iniisip ko lang ang mga kailangan kong bayaran kaya namo-motivate ako. Talagang gigil din ako. Kaya go, go,” pagbabahagi naman ni Andrea. (Reports from JCC)

vuukle comment

CHIE FILOMENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with