^

PSN Showbiz

Ate Vi natakot sa omicron, atras na naman sa paglabas

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Ate Vi natakot sa omicron, atras na naman sa paglabas
Ate Vi
STAR/ File

Talagang may plano na si Congresswoman Vilma Santos na unti-unti nang lumabas ulit lalo na at sinasabi ngang tila kontrolado na ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ang inaasahan nga noong mga nakaraang araw ay baka ilagay na ang malaking bahagi ng Pilipinas sa alert level 1, pero dahil sa biglang pasok na naman ng panibagong variant ng COVID na inaasahan na nilang tiyak namang darating din sa Pilipinas, mukhang magkakahigpitan na naman, at si Ate Vi, natural umurong na naman sa balak niyang paglabas-labas.

“I’m on my last days bilang congresswoman, at kailangang tapusin ko ang tungkulin ko sa bayan hanggang sa susunod na taon. Sanay naman akong humaharap sa mga tao dahil nga sa kailangan kong marinig din ang aking mga constituent, pero dahil nga sa COVID, natigil iyon. Ang ginagawa ko ngayon nakikipag-ugnayan ako sa mga barangay sa pamamagitan din ng internet. Ok naman pero iba iyong kaharap ko sila talaga eh. Kaya ang talagang balak ko lumabas na,” paunang pahayag niya.

“Kaso mayroon na namang bago, omicron, at kahit na sabihin mong bakunado ka, hindi ka rin ligtas dahil mahahawa ka pa raw sa variant na iyan na hindi tinatablan ng mga bakunang available sa ngayon. Ganoon naman talaga ang virus, basta napatay mo iyan gamit ang isang uri ng gamot, nagmu-mutate iyan. May babaguhin siya sa sarili niya para hindi na tumalab sa kanya ang mga dati nang gamot.

“Kaya nga sa ngayon, ang talagang dapat lahat ng pag-iingat gawin natin. Ang face mask, at kung maaari talaga huwag nang lumabas ng bahay, maliban na lang kung talagang kailangan. Iyon lang ang paraan para makaiwas kang mahawa, pero hindi pa rin guarantee iyon,” sabi pa ng Star for All Seasons na pahinga na nga sa pulitika pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.

“Iyong ibang trabaho ko nga, unti-unti na ring sinasalo ni Ralph (Recto), dahil eventually naman isasalin ko iyan talaga sa kanya, at sabi nga niya between the two of us, mas malakas ang katawan niya, at mas bata siya, kaya siya na lamang muna ang humaharap sa mga constituents namin.

“Iyon namang showbiz, sabi ko naman tatapusin ko muna ang term ko. So mahaba pa ang panahon para malaman natin kung ano ang kalagayan niyang pandemya bago tayo tumuloy,” pagtatapos ni Ate Vi. “Magdasal tayong lahat. Iyan ang nakikita kong panggagalingan ng solusyon,” pahabol pa niya.

Ricky, inisyuhan sa pag-follow, Derrick tinawag na beki magnet…

Aywan kung bakit tila isang napakalaking issue iyong nag-follow daw ang international singer at dating Menudo member na si Ricky Martin kay Derrick Monasterio. Hindi lang naman si Derrick ang Pinoy na fina-follow niya. Aywan kung bakit nga ba, sa simula pa lang para bang ginawa na nilang isang “beki magnet” si Derrick at unfair iyon sa kanya. Marami rin namang fans na babae si Derrick at makikita mo iyan sa comments sa kanyang social media posts. Pero noong una pa, inili-link si Derrick sa mga beki na sa palagay namin ay unfair sa kanya.

Kasi unang sabak pa lang ni Derrick, ang napuna agad sa kanya ay napaka-sexy ng kanyang dating. Lalong umugong iyan lately nang maging endorser siya ng underwear. Aba ang napansin ay si Derrick eh, hindi iyong underwear na kanyang ineendorso. Sinasabi rin nila, kung si Derrick ang gagawa ng BL, malalaos na lahat ang ibang gumagawa ng mga ganyang pelikula.

Pero tama bang bansagan na lang na “beki magnet” si Derrick, eh marunong naman siyang umarte at talagang may hitsura rin naman. Hindi naman siya nagugustuhan dahil sa sexy lamang siya.

Mga senior, ‘di na bagay umastang teenager

Parang ang pangit noong senior citizens na eh umaarte pang parang mga teenager na magka-love team. Sabi nga ng ilang observers, bakit nga ba may mga artistang ang tatanda na nagmumurang kamatis pa. Ngayon pa ipinangangalandakan ang kanilang love affairs eh may mga apo na.

Dapat naman kung matatanda na, maging discreet naman sa kanilang relasyon at huwag nang gamitin ang kanilang love affair para mapansin ng mga tao.

May taong ganyan talaga, hindi yata alam kung anong mga bagay ang dapat buksan sa publiko at kung saan dapat na manahimik na lamang. Parang wala sa ayos talaga.

Kadiri na.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with