^

PSN Showbiz

Ogie naaksidente, nahulog sa stunt ng ‘Squid Game’; Ian ayaw mangampanya ng kahit sinong kandidato sa 2022

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ogie naaksidente, nahulog sa stunt ng �Squid Game�; Ian ayaw mangampanya ng kahit sinong kandidato sa 2022
Ogie at Ian.

Handang sumabak si Ogie Alcasid sa face to face concert lalo na nga’t parang bumaba na ang nadadagdag na nagpopositibo sa COVID. “Wag nating biglain,” aniya kahapon. “I’m glad na marami nang vaccinated. Na sana nga in the near future mangyari na (ang concert),” dagdag niya sa ginanap na sa virtual media confe­rence para sa Christmas with the Stars (concert) for the benefit of the indepen­dent production workers kung saan sila ni Ian Veneracion ang magho-host.

“We are really looking forward to that. Sana ‘wag na uling tumaas,” sabi pa ng bagong host ng It’s Showtime kung saan nagkaroon ng freak accident nang mahulog si Ogie sa production number nila sa Magpasikat last week para sa anniversary ng programa.

Kuwento ni Ogie, natakot ang mga taga-Showtime nang mangyari ang aksidente. “Yes po, nahulog ako. But i’m okay. May pa-stunt kasi kami, pero naputol ‘yung what’s holding me so ayun, nagkasugat ako, pasa-pasa. They were telling magpa-MRI ako, but there were no fractures naman so the show must go on and tinuloy ko pa rin ang performance ko.

“Ang mali ko kasi tumayo agad ako eh. Alam ng mga athlete ‘yan na when you fall bago ka tumayo, tingnan mo muna kung buo ka. I immediately stood up kasi,” aniya na naganap nang gawin nila ang ala-Squid Game kung saan nakatali siya sa ere nang maputol ang cable na humawak sa kanya at nahulog siya sa sahig ng 12 feet sa ibaba.

Samantala, malalaking singer ang napapayag na mag-participate sa gaganaping fundrai­sing event para sa mga independent production workers.

Kasama sa performers sina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, Jose Mari Chan, The Company, RJ dela Fuente, Krystle, Moira, Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano, Maestro Ryan Cayabyab at marami pang iba.

Magaganap ito sa Dec. 11, 7:00 p.m. sa kTX.ph. Directed by Paolo Bustamante at ang Ortigas Malls ang organizer.

Samantala, magkaiba naman ang stand nina Ogie and Ian sa magaganap na 2022 election.

Open si Ogie sa pagiging supporter ni presidentiable VP Leni Robredo.

Si Ian naman ay sinabing ayaw niyang i-sway o mag-impluwensiya ng opinion o ng decision ng isang tao sa kanilang iboboto para mamuno sa ating bayan.

Tumatak sina Ogie at Ian nang magsama sila sa KilaboTitos concert.

 

 

vuukle comment

OGIE ALCASID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with