^

PSN Showbiz

Singer-actor, ‘di nakatiis sa kaangasan ng kasamahang bagong dating

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Diretso ang tabas ng dila ng isang kilalang singer-actor. Hindi naman sa wala siyang pakialam sa kung sinumang masasaktan, pero isa lang ang paninindigan niya, kailangang maging totoo siya sa kanyang sarili.

Hindi bale nang may mainis sa kanya, hindi bale nang sinasabi ng iba na suplado siya, hindi pa rin siya magbabago ng kanyang paniniwala.

Kuwento ng aming impormante, “Mula’t mula naman, e, ganu’n na talaga ang singer-actor, kung ano ang feeling niya, e, sinasabi niya nang diretso! ‘Yun na ang kinalakihan niya.

“Hindi siya puwedeng bulungan, balewala sa kanya ang mga tsutsu, kung ano ang nararamdaman niya at paniniwala, ‘yun na ‘yun!” unang reaksiyon ng aming source.

‘Yun lang naman ang napapansin sa singer-actor kahit ng kanyang mga katrabaho, hindi lang siya makuwento, pero marunong siyang ma­kisama.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, ayaw niya sa isang kasamahan niya sa show, halatado kaagad ‘yun! Hindi niya kinakausap ang taong ‘yun, wala siyang panahon!

“Ganu’n mismo ang nangyari nu’ng biglang may duma­ting na tagapamuno kuno ng kanilang show, meron siyang pinagsabihan na ayaw niya sa taong ‘yun.

“Marami na kasi siyang alam na kuwento ng kaangasan nu’ng bagong dating, mismong mga kaibigan niya ang nagsasabing mayabang talaga ang taong ‘yun!

“Natural, hindi na siya kumportable, walang-wala sa vocabulary niya ang piliting gustuhin ang taong ayaw niya! Nakarating ang comment niya sa pinatutungkulan niya, pinag-initan siya!

“Nakakita ng paraan ang may kaangasang bagong dating, siya ang napagdiskitahan! Walang problema, madaling kausap ang singer-actor, siya na mismo ang kumalas sa show!

“Sino naman ang nawalan? Ang male personality ba na marunong sa buhay at sigurado na ang future ng kanyang pamilya o ang show na napakalaki ng nahahatak niya para panoorin?

“E, kung sa nayayabangan nga naman siya du’n sa tao, alangan namang magtiis siya? Mahal niya ang mga katrabaho niya, pero hindi siya masayang makatrabaho ang isang kararating lang sa show nila, e, nagparamdam na ng power!

“Nakarating na ang kuwento sa pinanggalingang show nu’ng power tripper at isa lang ang nasabi ng mga hosts ng show, ‘Group hug! Walang iwanan hanggang sa dulo ng laban!’

“Nakakaloka! Feeling alam ang lahat, parang siya na ang pinakamatalinong ewan sa balat ng telebisyon ang power tripper na ‘yun!” napapai­ling na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pekeng ‘influencer’ maraming nabiktima

May isang nagpapanggap na lehitimong influencer-Maritess na kung makapag-post ng mga kuwento sa kanyang account ay akala mo kapani-paniwala ang kanyang mga istorya.

Parang nandu’n siya mismo sa gitna ng pangyayari, kung makapagdetalye siya ay parang alam niya mismo ang puno’t dulo ng senaryo, huwag paniniwalaan ang taong ito.

Kalat na kalat na ang mga inimbento niyang kuwento. Pinaniwalaan ‘yun ng mga hindi pa pamilyar sa kanyang pangalan pero sa mga nakakakilala sa kanya ay isang malaking katatawanan lang ang mga hinahabi-habi niyang kuwento.

Marami na siyang binibiktima sa mga kuwento ng kanyang kababalaghan. Sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Sina Paolo Contis at Yen Santos. At marami pang ibang personalidad na iginagawa niya ng kuwentong puro imbento lang naman.

Huwag paniniwalaan ang taong ito na ilang beses nang nadamay sa maraming isyu. Gusto yata niyang maging kolumnista, baka gusto rin niyang maging scriptwriter ng isang serye, ang problema lang ay kung may tatanggap sa kanyang mga istoryang hindi kapani-paniwala.

Marami siyang gawa-gawang kuwento, gusto niyang kabugin ang grupo nina Maritess, Marina, Marissa, Mariposa at Marisol. Buti pa nga ang grupong ito at nag-iimbestiga talaga. Pero siya, tumingin lang sa kanyang kisame ay nakapagbubuo na ng mga senaryong ewan kung ibinulong lang sa kanya ng mga butiki, kung iprisinta niya ang pangyayari ay parang nasa gitna siya ng aksiyon!

Buti nga, nabuking siya, pinatunayan ng mga otoridad sa Tagaytay na walang report ang hotel sa sinasabi niyang away sa pagitan nina Diego at Barbie kung saan nagkawasak-wasak pa ang kuwartong kinuha ng magkarelasyon.

Buti nga, mali-mali ang binanggit niyang bank credit card ni Paolo Contis na na-decline kuno, kaya si Yen ang nagbayad sa hotel.

Hindi ipinanganganak ang kredibilidad nang magdamagan lang. Pinagtatrabahuhan ‘yun nang maraming taon. Ang wala ay wala at ang meron ay meron.

Bakit hindi namin binanggit ang pangalan ng imbentor ng mga kuwento ito? ‘Yun kasi ang gustung-gusto niya, ang makilala siya, ipagdadamot namin sa kanya ang ilusyon niya.

Sayang ang aming espasyo.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with