^

PSN Showbiz

Jessy umaasang magkakaanak ng kambal, mas naging maarte nang mag-asawa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jessy umaasang magkakaanak ng kambal, mas naging maarte nang mag-asawa
Jessy Mendiola.

Mas naging metikuloso si Jessy Mendiola pagdating sa pag-aalaga sa sarili mula noong mapangasawa si Luis Manzano. Matatandaang naganap ang pag-iisang-dibdib ng dalawa nito lamang Pebrero. “All the more dapat alagaan ang sarili mo because for you to be able to take care of others, you have to take care of yourself first. So mas naging maarte ako no’ng nag-asawa ako. Talagang I take care of my hair, my skin, everything. ‘pag feeling ko medyo nagiging bloated na ako, okay magbawas-bawas tayo sa meat, magbawas-bawas tayo sa mga salty food,” natatawang pahayag ni Jessy.

Matagal nang hindi napapanood ang aktres sa pelikula at telebisyon. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto na raw bumalik ni Jessy sa pagtatrabaho. “I miss acting, I miss taping. Hopefully sana may good script soon. I miss all of my katrabaho but medyo hindi pa siya priority now kasi ang dami ko pang ginagawa na iba. I’m really focused on building my life with Luis. ‘Yung digital ko rin ang daming nangyayari,” pagbabahagi niya.

Nagpaplano na ring bumuo ng pamilya sina Jessy at Luis ngayon. Ilang anak kaya ang gusto ng mag-asawa? “Gusto niya ng five. Sabi ko, ‘’’Yung totoo, basketball team?’ Siguro mga three at the most kasi kami din ng sisters ko tatlo kami. Sana may twins, kasi si daddy may twins na mga kapatid. Sabi ko, ‘Sana makuha natin’yon.’ Sabi sa girls daw (namamana) most likely magkakaroon ng twins,” pagtatapos ng aktres.

Barbie, sinagot ang away nila ni Diego

Hindi na nakapagpigil si Barbie Imperial na ilabas ang kanyang emosyon tungkol sa nangyaring paninira sa kanilang relasyon ni Diego Loyzaga. Mayroong nagpakalat sa social media na nag-away at nagkapisikalan na diumano ang magkasintahan. Nag-away raw sa isang hotel sa Tagaytay sina Barbie at Diego dahil may nahuli ang aktres sa cellphone ng binata na nag-ugat sa matinding away ng dalawa. “Nagulat kami, siguro nasanay na kami na ‘yung mga tao talaga masaya sila para sa amin.  Then no’ng nangyari na may nagta-try na siraan kami na ito daw ginagawa ni Diego, may ganito daw si Diego. Masyadong matibay ‘to (relasyon) para sa gano’n. Para sa amin ni Diego, nagkaroon ng time na parang, ‘Bakit gano’n? bakit niya tayo sinisira?’ Pero na-realize namin na masaya kami eh. So sisirain talaga,” paglilinaw ni Barbie.

Hindi na rin umano magpapaapekto ang magkasintahan kung sakaling magkaroon muli ng mga magbabalak sumira sa kanilang matibay na relasyon. “Hindi talaga ako nagsasalita kung about sa akin ‘yung issue. Pero ‘pag tungkol sa mga taong mahal ko, hindi ko talaga hinahayaan. Lalo na kung wala namang ginagawang masama ‘yung tao. Naawa ako kay Diego kasi lahat ng ginagawa niya para sa akin. Tapos siya pa ‘yung napagbibintangang may ginagawang mali sa akin. Nagchi-cheat siya, ganito, ganyan. Hindi ganoong klaseng tao si Diego. Hindi namin hahayaan na maapektuhan kami. Kasi totoo naman po, masaya kami eh. ‘Yung family namin sobrang sinu-support kami,” giit ng dalaga. Reports from JCC

 

JESSY MENDIOLA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with