_ngayon
^

PSN Showbiz

Bianca at Rita Daniela, magtatapat sa Tadhana

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Bianca at Rita Daniela, magtatapat sa Tadhana
Kabayaran
STAR/ File

Nagpapatuloy ang anniversary special ng Tadhana para sa loyal vie­wers sa ika-apat na taon nito. Ngayong Sabado, dapat abangan ang magiging tapatan nina Bianca Umali at Rita Daniela sa episode na Kabayaran.

Makakasama nina Bianca at Rita sa two-part story sina Jak Roberto, Almira Muhlach, Bench Hipolito, Coleen Paz, Nico Locco, at ang iconic action star na si Jeric Raval.

Matapos mamatay ng kanyang nanay, kinupkop na si Joy (Bianca) ng amain niyang si Danilo (Jeric). Pero kabaligtaran ng kanyang pangalan, poot at kasamaan ang inabot ni Joy sa kamay ng kanyang step-mom na si Hilda (Almira) at half-sister na si Celine (Rita)!

Sa pagpanaw ni Danilo, maliban sa pangu­ngulila, patung-patong na utang din ang iniwan niya! Kaya naman sina Hilda at Celine, isang solusyon ang naisip! At siyempre pa, damay si Joy rito. Ano kaya ito?

Mapapanood ang Kabayaran, ang pangalawang handog ng Tadhana para sa ika-apat na anibersaryo nito ngayong Nov. 27 at Dec. 4 kasama si Tadhana host Marian Rivera, 3:15 p.m. sa GMA Network.

KABAYARAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with