_ngayon
^

PSN Showbiz

Myx at Tinder, sanib-pwersa sa Myx and Match dating game

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Myx at Tinder, sanib-pwersa sa Myx and Match dating game

Magsasama ang MYX, ang numero unong music channel sa bansa, at Tinder, ang pinaka-popular na app sa buong mundo para makahanap ng bagong pag-ibig, para sa kaabang-abang na bagong season ng MYX and Match.

Ang Tinder ang magsisilbing opisyal na casting partner ng online dating game show na MYX and Match kung saan maaaring sumibol ang bagong pag-ibig. Kada episode nito, may guest searcher na pipili ng kanyang ‘match’ mula sa participants pagkatapos dumaan sa compatibility challenges.

Si VJ Ai dela Cruz na naging searcher sa isang episode ng MYX and Match Season 1 ang magsisilbing host ng mas pinabonggang programa, na mapapanood na ngayon sa isa sa pinaka-popular na video-sharing platform na TikTok sa account ng @myxglobal.

Sa inaabangang pagbabalik nito, pipiliin ang MYX and Match participants sa pamamagitan ng Tinder, na magsisimula na sa call nito para sa voluntary participation sa Disyembre. Para sa mga interesado, magdownload lang ng Tinder app sa Google Play Store o Apple App Store, mag-create ng account, at mag-match sa MYX and Match profile card kapag lumitaw ito sa screen.

MYX
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with