_ngayon
^

PSN Showbiz

Karakter ni Narda ipinasilip na, Valentina iibahin ni Direk Chito!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Karakter ni Narda ipinasilip na, Valentina iibahin ni Direk Chito!
Janella at Jane
STAR/ File

Kasabay ng pag-arangkada sa taping ng Darna: The TV Series ang anunsyo na si Janella Salvador ang gaganap sa papel na Valentina na ayon kay Direk Chito S. Rono ay nababalot ng misteryo at naniniwala siyang magagampanan ito ng Kapa­milya actress ng maayos.

Ayon pa sa box-office director, ibang-ibang Valentina ang mapapanood sa inaabangang serye na ipapalabas na sa 2022. “We’re modernizing Valentina time. Totally kakaiba sa dating Valentina,” masayang pagbabahagi niya.

“I haven’t really seen her (Janella) that much except for when she auditioned and I was kinda impressed. Hindi ako na-disappoint sa audition niya,” kwento ni Direk Chito.  “I think she would do justice to the character of Valentina. Janella would not only be capable but also interesting to do that different kind of character.”

Samantala, ipinasilip na rin ng programa ang karakter ni Narda, ang human alter ego ni Darna na ginagampanan ng bidang si Jane de Leon, sa behind-the-scenes video na inilabas ng JRB Creative Production.

Nagdiwang din si Jane ng kanyang ika-23 kaarawan sa set noong Lunes (Nobyembre 22) na masayang ibinahagi ang excitement niya sa pagtatrabaho kasama ang bagong Darna family.

“Importante sa amin na dapat family kaming lahat and not just thinking about work but also thinking of friendships and also relationships namin sa isa’t-isa. The set is light and we’re just enjoying the moment,” kwento ng Kapamilya actress sa naging panayam niya sa Metro.Style.

Online luxury store /reseller, nadismaya sa aktres na binigyan ng mamahaling bag

Na-disappoint ang isang online lxury store / reseller sa isang not so sikat actress na binigyan nila ng isang luxury bag.

Ang kuwento, nag-direct message raw itong si actress na may anak na sa account ng nasabing online store / reseller.

Naturally, dahil marami rin namang followers sa Instagram page niya ang actress, in-entertain siya.

Nag-inquire raw ito kung magkano.

Pero instead na pagbayarin, binigyan na lang ito ng online luxury store / reseller kaya nag-e-expect sila na ipo-post nito para magpa-thank you at i-promote na rin ang account ng nasabing luxury store.

Sadly, itina-tag lang niya ang store at no mention ng pasasalamat.

Nilagay lang niya sa chair ang nasabing bag at saka nilagyan ng super short na caption na walang connection sa bag.

Kaya ang decision ng nasabing online luxury store ay never na siyang makakatanggap uli ng mamahaling bag nang libre.

DARNA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with