_ngayon
^

PSN Showbiz

Kylie, nawindang sa sexy scenes

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kylie, nawindang sa sexy scenes
Kylie
STAR/ File

Hindi ipapanood kay Jake...

Muling nagpaseksi si Kylie Verzosa para sa pelikulang My Husband, My Lover na mapapanood na sa Vivamax simula ngayong araw. Nagulat daw talaga ang aktres noong unang mapanood ang trailer ng pelikula dahil sa kanyang mga ginawang eksena rito.

Malaki naman ang pasasalamat ni Kylie sa kasintahang si Jake Cuenca dahil sa suportang ibinibigay ng aktor sa kanya. “Actually natakot ako noong una. Kasi no’ng lumabas na (ang trailer) medyo na-shock din ako sa trailer. Natakot ako sa reaction niya. But surprisingly he was so supportive and he was so proud of the movie, of the work I’ve done. Sobrang swerte ko na sobrang supportive niya talaga sa career ko and all the decisions I make,” kwento ni Kylie.

Kahit suportado ni Jake ang career ni Kylie ay posibleng hindi na lamang daw panoorin ng aktor ang ginawang intimate scenes ng dalaga. “Hindi na lang niya panonoorin those scenes kasi it’s hard. Tao din tayo so nahihirapan ang tao manood. But he’s so supportive and he doesn’t give me a hard time. And proud siya sa ginagawa ko,” dagdag ng beauty queen-actress.

Sina Marco Gumabao at Adrian Alandy ang mga nakatambal ni Kylie sa ginawang intimate scenes sa bagong pelikula. Aminado ang dalaga na nakaramdam din siya ng kaba bago gawin ang kanyang mga mapangahas na eksena. “As Kylie, kinabahan ako do’n sa scene na ‘yon. Pero as Alice hindi eh, gusto kasi ‘yon ni Alice, dream niya ‘yon talaga. Very safe naman ‘yung set, safe din naman ‘yung limitations na sinet namin with direk (Mac Alejandre). I was really comfor­table with Marco and Adrian. So may konting kaba siyempre. Pero wala eh, kapag nando’n ka na talaga in the moment and in your character, mawawala na talaga siya. Si Alice na ‘yung nando’n,” paliwanag ng dalaga.

Miko, tiis-tiis kahit bagong kasal

Noong Pebrero pa lamang nagpakasal si Miko Raval at Kaira Dimatulac. Kabilang ngayon ang aktor sa teleseryeng Viral Scandal. Ayon kay Miko ay talagang nahirapan siya sa pagtatrabaho dahil sa ipinatutupad na lock-in taping sa mga teleserye. “Nahirapan ako mag-decide to go into the bubble nga. Kasi I recently got married so parang half of this year mas nasa labas ako more than I’m with my wife. So ‘yung unang taon pa lang ng kasal namin, challenge na agad for us. But every time I’m here, talagang ibubuhos ko lahat sa trabaho para at least hindi ko nasayang ‘yung araw na hindi ko siya kasama. So when I get back, it’s all good. When we are together at least we really get to spend time together and enjoy each other’s company,” paglalahad ni Miko.

Kahit mayroon pa ring pandemya ay natuloy ang kasal nina Miko at Kaira. Dinaluhan daw ito ng mga pili lamang na kapa­milya at kaibigan. “Everything went according to plan naman. Mas kumonti ‘yung tao which was very good thing din naman that happened. It was a very intimate wedding. So we all enjoyed it, me, my family and my friends. I’m very blessed and lucky na wala namang nangyaring masama sa akin or sa family ko and sa friends ko,” pagbabahagi niya.  (Reports from JCC)

KYLIE VERZOSA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with