_ngayon
^

PSN Showbiz

Kasalan sa showbiz, ordinaryong ganap na alang!

ISYU AT BANAT! - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

May nagsasabing dahil lang daw may pandemic, pero maliwanag na mukhang hindi na nga yata nakakatawag ng pansin ng fans ngayon ang kasalan ng mga artista. Kung sa bagay, mabuti naman iyon at nagkakaroon sila ng privacy, tapos inilalabas na lang nila sa sarili nilang internet channel at pinagkakakitaan pa rin kahit na papaano, pero siyempre hindi gaya ng dati na inilalabas iyon bilang TV special.

Naalala lang kasi namin ang kasal nina Ate Vi (Vilma Santos) at Senator Ralph (Recto) 29 years ago. December 11, 1992 nang ikasal si Ate Vi at Senator Ralph sa San Sebastian Cathedral sa Lipa City. Sa natatandaan namin, iyon ang pinakamala­king showbiz wedding. Naroroon lahat ng diyaryo, pati na ilang foreign correspondents. Punung-puno ng tao ang CM Recto Avenue kung saan naroroon ang cathedral, pati na ang mga kalapit na kalye. Nagdulot iyon ng matinding traffic sa lugar, at kailangang maire-route ang mga sasakyan.

Tapos doon sa reception na ginanap naman sa Manila Hotel, puno ang ginamit na ballroom. At sa labas ng hotel, hanggang sa Luneta may naghihintay, makakaway man lang kina Ate Vi at Senator Ralph.

Nauna riyan, ang isa pang malaking kasalan ng artista na nakita namin ay ang kasal nina Sharon (Cuneta) at Gabby (Concepcion). Hindi lang napuno talaga ang Manila Cathedral dahil sa mahigpit na security. Nandoon kasi noon si Presidente Marcos, pero sa labas ng simbahan punung-puno ng mga tao ang Plaza de Roma.

Maliban sa dalawang iyan,wala kaming nakitang kasalan ng mga artista na talagang dinumog ng tao.

Iyong kasal nina Sharon at Gabby, tumagal lang ng tatlong taon. Ang kasal nina Ate Vi at Senator Ralph, 29 years na sa Dec. 11, at kung iisipin na nag-live in sila ng seven years bago nagpakasal, aba eh 36 years na ang kanilang relasyon at hanggang sa ngayon ganoon pa rin ang kanilang pagsasama.

Iyong pagsasama naman ng mag-asawa, si­guro nga mas matured na ang isip nina Ate Vi at Senator Ralph noon. Napanatili rin nilang pribado ang kanilang buhay, at siguro nga dahil respected politician naman ang senador, walang gumawa ng mga intriga.

May nagsasabi rin naging advantage ang pagpasok ni Ate Vi sa pulitika. Kasi nga hindi nagkaroon ng puwang ang tsismis at intriga.

Julia at Coco, ‘di na kailangan ng kumpirmasyon

Dahil lang sa post ni Julia Montes sa kanyang social media account ng picture niya at picture ni Coco Martin na parehong nasa beach, at sinasabi nilang “halos pareho ang background,” ibig sabihin iisang beach lamang iyon. Dahil doon marami ang gumawa ng conclusion na magkasama silang dalawa, at sinasabi na ngang ang kanilang relasyon ay “more than professional” at “more than friends.”

Pero kailangan pa ba ng kumpirmasyon sa isang relasyon na “common knowledge” na? Lahat naman ng tao sa showbiz basta tinanong mo ang alam ay matagal na silang “more than friends,” at tiyak na darating din naman ang panahon na aaminin nila iyang matagal na nilang relasyon.

Pero alam naman nila ang totoo, “in denial” nga lang sila. Hindi na rin dapat gawing issue iyan.

Gay male star, natupad ang ilusyon sa dancer

Nagkita na rin pala lately ang isang gay male star, at isang dancer na matagal na niyang ilusyon. Noon kasing una niyang makilala ang dancer, boyfriend pa iyon ng isang aktres kaya hindi mapasukan ng bading. Noong magkita sila lately, nagkaroon din ng katuparan ang ilus­yon ng bading.

Ayon sa aming source, nagpakalunod ang gay male star sa “init sa magdamag.” Ok lang naman daw sa dancer dahil magkaibigan nga sila at pumayag lang siya bilang pakikisama. Maliwanag naman daw sa bading na hanggang doon lang iyon, pakikisama lang, at hindi na siya dapat mag-expect nang higit pa roon.

Ang dancer naman kasi na talagang macho ang image hanggang ngayon ay may “girlfriend” na isang biyudang may edad, at alam na ninyo kung ano ibig sabihin noon. Maaaring ang ibinigay sa kanya ng gay male star ay barya lamang kung ikukumpara sa sustento ng kanyang girlfriend.

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with