_ngayon
^

PSN Showbiz

Kris sinuwerte sa tinitirhan!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kris sinuwerte sa tinitirhan!
Kris at Mel.

Talagang kahit gusto ni Kris Aquino na maging tahimik ang buhay, hindi pa rin nangyayari.

Natawa ako sa bagong  issue nila ni senatoriable Herbert Bautista na talagang dahil walang news, lahat ng tabloid ito ang front page.

Kung iisipin mo, isang maliit na bagay na hindi papansinin, pero dahil Kris Aquino nga, big deal.

Newsmaker pa rin talaga si Kris kahit pa nga lumalayo siya sa limelight. Buking tuloy na malapit na silang ikasal ni Papa Mel Sarmiento, na magso-solo na si Bimby sa isang unit, at suwerte dahil parang nagtagal si Kris kung saan sila nakatira ngayon.

Isa sa hilig ni Kris ang palipat-lipat ng bahay, kaya mukhang good vibes sa kanya ang place nila ngayon dahil dun siya mag-stay hanggang makapag-asawa at pati na si Bimby sa ibang unit.

Wala naman sigurong ibang kulay iyon pagkakabanggit ni Herbert pero maganda na rin na naituwid agad para hindi na maulit.

Totoo naman ang sinabi ni Papa Mel, very ungentleman na magsalita ang isang lalaki tungkol sa past relationship, lalo pa nga at malapit nang ikasal ang isa.

Bongga si Kris ha, inaabangan ang wedding niya kahit pa nga sabi niya ay magiging very simple at walang funfare.

I’m so happy for Kris, at sana nga ito na ang kanyang forever, ang Papa Mel Senen Sarmiento niya. Congrats.

Alden, sasagarin ang bakasyon

Sarap naman ni Alden Richards. At least white Christmas siya dahil nga ngayon lang yata siya nagkaroon ng time na magpahinga. Imagine na kahit pandemic, panay pa rin ang trabaho niya at parang mas naging busy pa siya.

Kaya naman malaking bagay para sa kanya na magkakaroon siya ng oras para makabiyahe sa USA ngayong Kapaskuhan hanggang sa kanyang birthday sa January 2.

Dapat lang naman na merong mga ganitong break si Alden sa sobra niyang hectic na sked dahil baka naman magkaroon na siya ng work fatigue kung walang pahinga.

Bongga. Enjoy Alden, bihira kang magbakasyon kaya sagarin mo iyan.

KRIS AQUINO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with