^

PSN Showbiz

Mccoy, dugo’t pawis ang puhunan para sa musical film ni Yorme

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Mccoy, dugo�t pawis ang puhunan para sa musical film ni Yorme
Mccoy.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakagawa si McCoy de Leon ng isang musical film. Kabilang ang aktor sa mga bida ng pelikulang Yorme na mapapanood na sa mga sinehan simula ngayong December 1.

Ibang karanasan para kay McCoy ang bagong proyekto. “Iba ‘pag musical kasi bukod sa pag-arte kailangan mo ring kumanta. Tapos ‘yung kanta mo hindi naman familiar ‘yung melody niya kasi mga original song siya kaya kailangan mo talagang aralin. Buti na nga lang din may experience ako sa theater dati na nagamit ko rin dito sa Yorme. Kasi kapag musical importante ‘yung laki ng bibig. Dapat nakikita ‘yung sinasabi mo, tapos ‘yung galaw mo. Kakaibang experience ito for me and sabi ko nga kay Direk Joven (Tan) sana hindi ito ‘yung maging first and last ko,” paglalahad ni McCoy.

Bilang paghahanda para sa role sa naturang musical film ay talagang dugo’t pawis daw ang iginugol ng aktor dito. “Bago ako matulog pinapakinggan ko talaga ‘yung kanta paulit-ulit sa phone ko, sa computer, sa kotse. Alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin ‘yon kasi ‘pag nagrelax-relax lang ako, hindi ko mabibigyan ng hustisya ‘yung role ko. Kaya dugo’t pawis din talaga siya,” giit niya.

Bago pa naging artista sa telebisyon at pelikula ay pamilyar na noon pa man ang aktor sa galawan sa teatro. Madalas na nakapapanood ng stage play si McCoy dahil kabilang din sa isang theater group ang kanyang ama. “Gusto ko nga makabalik din sa theater kapag may pagkakataon. Kasi ‘yon ang buhay din ng tatay ko eh. Alam kong ‘yon ang kasiyahan niya kaya sana soon magawa ko rin ‘yon,” pagtatapos ng actor.

Rachel kinikilig kay Piolo, gustong maka-collab si Iñigo

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw makatrabaho ni Rachel Alejandro si Iñigo Pascual sa isang proyekto. Para sa singer ay talagang magaling na singer at dancer si Iñigo. “He is such a good performer. Aside from the fact na anak siya ni Papa P, I am so impressed with his development as an artist. Lalo na ngayon nagkaroon pa siya ng international song. Sobrang bongga, well deserved and I love the fact that he sings and dances. That’s something na noong Mr. Kupido days, Kulang Sa Pansin days, hindi ba? So parang I would love that,” pagtatapat ni Rachel.

Aminado ang batikang singer na malaki rin ang kanyang paghanga sa ama ni Iñigo na si Piolo Pascual. Ayon kay Rachel ay kinikilig siya sa tuwing naiisip si Piolo. “Mayroon akong isang kanta ni Papa P in the album called ‘Kung Ako Ba Siya.’ And the reason kung bakit mayroong ganoong kanta diyan is because sabi ko kailangan mayroon akong Papa P na song dahil kailangan mayroon naman akong kilig na kanta dahil iniisip-isip ko si Papa P no’ng inawit ko ‘yon,” pagbabahagi ng singer. Reports from JCC

 

vuukle comment

MCCOY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with