^

PSN Showbiz

Paolo, wapakels na sa bashers; LJ,‘di sumasagot tungkol sa ex!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Paolo, wapakels na sa bashers; LJ,âdi sumasagot tungkol sa ex!
Paolo.

Napanood ko nung Biyernes ang IG live ni LJ Reyes. Nasa school ang dalawang anak niya, Aki at Summer, kaya may time siyang mag-IG live kasabay ng pagpo-promote niya ng mga produkto ng kanyang Wonder Jane na bumebenta pa rin online.

Maingat si LJ sa pagsagot sa ilang katanungan, lalo na kapag medyo personal. Ayaw daw niya ng may isyu, ‘yung walang kanegahan na pag-uusapan.

May nagtanong pa nga sa kanya kung handa na ba siyang ma-in love uli. Lagi naman daw siyang in love, sa kanyang pamilya at sa Diyos. Aniya lahat ay nagiging madali kapag ipaubaya mo sa Panginoon.

Marami rin ang nakapansin na malaki ang eyebags niya, at natatawa na lang si LJ dahil nga sa rami rin daw ng ginagawa niya, kinukulang siya sa tulog. Pero nai-enjoy naman daw niya ang trabaho niya sa Amerika na kung saan tumutulong siya sa pag-aasikaso sa coffee shop na pag-aari ng kanyang ina.

Halos maghapon daw siyang nakatayo sa pag-aasikaso sa kanilang coffee shop. Nakakapagod daw pero, natutuwa raw siya lalo na kapag may mga Pinoy silang customers.

Kapag tinatanong ko si Paolo Contis kung sinubukan na ba niyang tawagan si LJ, hindi na siya sumasagot.

Hindi ko na lang kinukulit, dahil noon pa man ay sinasabi ni Paolo na mas gusto niyang sarilinin na lang kung ano ang plano niya lalo na sa kanyang anak na si Summer.

Tinanong ko rin siya sa kontrobersyal na dinner na ipinost sa kanyang IG story, laugh emoji lang ang sagot sa akin.

Sinabi rin niyang “Wapakels!” siya sa mga basher. Hindi na rin daw siya nagbabasa ng mga comment.

 Sinasabi naman noon ni Paolo sa nakaraang mediacon ng I Left My Heart in Sorsogon na matatanggap niya ang bashing kung may kinalaman sa trabaho niya bilang aktor.

Kung maganda o hindi  ang komento sa kanyang ginagawa sa isang project, okay lang sa kanya ‘yun. Labas na yung mga personal na isyu sa kanyang trabaho. Pero so far, pawang magaganda ang feedback na nakakarating sa kanya sa performance niya bilang si Mikoy sa I Left My Heart in Sorsogon.

Magandang young actress parang nagpapalit lang ng panty pag nakikipag-bf

Tumaas ang kilay ng ilang staff ng isang TV network nang inamin ni guwapitong aktor na nanliligaw daw siya sa magandang young actress na kasama niya sa isang TV show.

Bakit daw ngayon lang umaming nanliligaw, eh nakikita na nga raw na sobrang sweet nila sa isa’tisa.

Iyung nakikita raw silang naghahalikan sa isang sulok ng studio ay mukhang hindi na raw sa ligawan stage iyun.

Paano ba naman, itong si magandang young actress daw pagkatapos niyang makipag-break sa non-showbiz boyfriend, kaagad nakipagrelasyon sa baguhang aktor na halos kasabayan niya sa pag-aartista.

Nag-break na rin sila nitong baguhang aktor, ngayon ay kay guwapitong aktor naman siya.

Ibang klase rin daw makipag-boyfriend itong si magandang young actress. Parang nagpapalit lang daw ng panty.

PAOLO CONTIS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with