^

PSN Showbiz

Janine, tinuruang bumilib sa sarili ni JK

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Janine, tinuruang bumilib sa sarili ni JK
Janine Berdin.

Hindi raw inakala ni Janine Berdin na makakatrabaho niya si JK Labajo para sa kantang Pagod Na Ako. Noon ay nagkakausap lamang sa pamamagitan ng online hanggang sa nagkatagpo ang landas ng dalawa. “One day after he took a break from social media, nagka-exchange kami ulit ng music and stuff online and then he asked if I write songs. Then I let him hear it. I sent him a folder full of my songs and he didn’t reply to me for two days. Kaya sobrang kinabahan ako na, ‘My God, baka ayaw niya ‘yung mga kanta ko?’ Then sabi niya, ‘Punta tayo ng studio and then let’s work on our music.’ So it went from there. He knows how grateful I am,” kwento ni Janine.

Aminado ang dalaga na talagang na-starstruck kay JK noong unang pagkakataon na nagkita at nagkausap sila nang personal. “For the lon­gest time hindi ko naisip na totoo. Hindi ko kasi naisip and parang umabot sa point na I can’t talk to him. Kasi I feel like I look up to him and so many people look up to him and everyone will say the same. Parang I can’t talk to him kasi feeling ko a small mistake, baka maiba ‘yung tingin niya sa akin. For the longest time I’ve felt that but I know I should just really focus on my music and he’s here to help me with that. Kinabahan ako sobra but JK made it really easy and siyempre the people around me who really believed in me and made it so easy,” paliwanag ng singer.

Kahit kinabahan noong una ay maraming mga bagay naman umano ang natutunan ni Janine mula kay JK. “Number one is to believe in myself talaga and to not doubt. Kasi ever since gano’n ako, parang medyo nagda-doubt ako sa sarili ko and nahihiya ako sa mga iniisip ko kung tama ba ‘to or like that. Siguro the number one thing he’s taught me is to remind myself na I should believe in myself,” paglalahad ng dalaga.

Albie, hanga sa sipag ni Brenda

Noong Sabado ay nakalabas na mula sa Pinoy Big Brother house si Chie Filomeno. Ang aktres ang ikatlong evictee para sa PBB Kumunity Season 10. Matatandaang si Albie Casiño ang ikalawang housemate na lumabas mula sa pinakasikat na bahay sa bansa noong isang linggo.

Para sa aktor ay ang komedyanteng si Brenda Mage ang karapat-dapat na tangha­ling Big Winner ngayong season. “Para sa akin because nakikita ko siya, lagi siyang gumagalaw sa loob ng bahay. Siya ang naglilinis ng banyo madalas. There’s eight girls in the house so med­yo nagkaka-furball sa drainage, sa mga buhok,” pagbabahagi ni Albie.

Ayon sa aktor ay wala ring arte sa katawan ang komedyante kaya nararapat na manatili nang matagal na panahon sa loob ng bahay ni Kuya at makilala bilang Big Winner. “Ako ‘pag nakikita ko, ayokong hawakan ‘yan, medyo kadiri. Kahit baha na, bahala na, okay lang. Maliligo na lang ako nang baha. Hindi ko na pupulutin. Si Mama Brenda tagapulot doon. Lahat ng mga dishes, nililinis. Tapos, tinanong ko nga sa kanya iyan. Kadarating ko lang, ‘Mama Brends, bakit ikaw lagi ang naglilinis?’ ‘Wala lang, gusto ko lang naglilinis ako.’ I never let her wash my stuff. Parang it was just my thing na, parang wash my own things. Because I hate washing stuff, you better do something you hate every day,” kwento ng dating housemate. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

JANINE BERDIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with