^

PSN Showbiz

Heart pumalo sa Primetime, mga taga-Sorsogon umaasang dadagsain ng mga turista

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Heart pumalo sa Primetime, mga taga-Sorsogon umaasang dadagsain ng mga turista
Chiz at Heart
STAR/ File

Biglang naging hot item sa social media si Sorsogon Governor Chiz Escudero dahil sa sunud-sunod na tweets nitong mga nakaraang araw patungkol sa bagong teleserye ng kanyang misis sa GMA7 na I Left My Heart in Sorsogon na nagpapa-excite diumano sa pulitiko.

Bukod nga naman sa pinagbibidahan ito ni Mrs. Heart Escudero, eh sentro ng palabas ang lalawigan ng Sorsogon na siya pa ngang nasa title.

Kaya naman kung excited at may halong nerbiyos si Heart bago ito umere, ay ganundin daw si Gov. Chiz.

Well, makakahinga na sila ng maluwag. Matagumpay ang teleserye at talaga tinutukan  nang mag-global premiere noong Nov. 15.

Naging trending din ang #ILeftMyHeartInSorsogon sa Twitter.

Masaya rin binahagi ni Chiz sa kanyang Facebook at Twitter accounts ang screening sa provincial capitol na dinaluhan ng mga ilang empleyado at kanilang pamilya.

Bukod sa star-studded ang palabas ay maganda ang storyline na patok sa masa kaya naman talagang inabangan ng televiewers lalo ng mga Bicolano.

At ang bongga, ayon sa Nielsen Philippines, mas marami diumano ang tumutok sa pilot episode ng ILMHIS kesa Ang Probinsyano na magkasabay halos ang airtime.

Bongga si Heart. Na-curious siguro sa mga branded niyang gamit sa palabas.

Nakatuon ang kuwento ng I Left My Heart in Sorsogon sa fashion socialite na si Celeste (Heart) na nagbalik sa kanyang hometown, rediscovers her roots, and rekindles her love for family, community, and an ex-flame.

Para kay Gov. Chiz, na ngayon ay balak magbalik sa Senado, hindi lamang tagumpay ni Heart ang teleserye kundi pati na rin ng lalawigan. Mas marami ngayon diumano ang makaka-appreciate sa natatanging ganda ng Sorsogon.

Umaasa rin si Chiz na maengganyo nito ang mga turista - local man o mga dayuhan, na bisitahin ang probinsya.

Unti-unti na nga raw nagbubukas ang mga border dahil sa gumagandang sitwasyon natin bunsad na rin sa pagbaba ng mga COVID-19 cases. And sooner than soon, people will start traveling extensively again.

And hopefully daw, the teleserye will put the province in the map of international and domestic tourism.

At siyempre pag dumami muli ang dadalaw sa kanilang lalawigan, tiyak na dagdag kabuhayan din ito sa mga constituents ni Gov. Escudero.

CHIZ

HEART

SORSOGON

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with