^

PSN Showbiz

Fan ni Ate Vi, naitago ang souvenir nila sa airport 51 years ago

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon
Fan ni Ate Vi, naitago ang souvenir nila sa airport 51 years ago
Ate Vi.

Nag-time travel nga ba si Ate Vi (Vilma Santos)? Ganyan din ang naitanong namin dahil sa isang feature ni Jessica Soho sa KMJS na may isang pamilya raw na nang buksan ang isang album na sinasabing 1920 pa ay nakakita ng picture ng isang tao na “kamukhang-kamukha” ni Ate Vi. Ang tanong nila, sino ang taong iyan na hindi lang hawig kundi pareho ang mukha kay Ate Vi.

Nang ipakita nila ang picture, nasabi nga namin, walang super natural diyan, dahil sigurado kami na ang nasa picture ay si Ate Vi, pero panahon iyon na nagbabalik pa lamang siya bilang teenage star. Ngayon ang tanong na lang ay kung bakit nakasama iyon sa isang album na sinasabi nilang noong 1920 pa.

Pinahaba nila ang paghihintay ng mga tao. Panay ang flash sa istorya pero kung anu-anong kuwento ang inuna, at minsan maiinis ka kasi mas mahaba at napakaraming commercial gaps, na mas mahaba pa sa content ng show.

Kung pano­noorin mo ang show na iyon, mahigit isang oras yata ang commercial. Pero gusto mong malaman kung ano ang kuwento, magtiis ka.

Nang malaunan, tinanong nila ang isang matanda na kasama ni Ate Vi sa picture. Iyon ang unang nagsabi na kuha iyon sa airport nang minsang magkasalubong sila. Natandaan na ni Ate Vi ang lahat, naalala kasi niya ang damit na kanyang suot sa airport 51 years ago, nang papunta sila sa Hong Kong para sa isang personal appearance doon. Iyon pala, ang matanda ay fan ni Ate Vi, nagpagawa siya ng mga kopya ng picture nilang magkasama, at ipinamigay niya sa mga kaibigan niya.

Mayroon pa ngang wallet size picture na nasa wallet niya. Nabigyan siguro niya ng kopya ang kaibigan niya na may-ari ng photo album, at naisama iyon sa mga lumang picture sa album.

Sabi nga ni Ate Vi, kung hindi siya nagkakamali, 1970 iyon. Ang batayan ay ang suot niyang damit noong una siyang magpunta sa Hong Kong at siya ay 17 years old lang noon. Ibig sabihin, ang picture na iyon ay naitago nang mahigit na limampung taon na. Gulat pero tuwang-tuwa rin si Ate Vi. Isipin mo nga naman, may taong hindi nagsawa sa paghanga sa kanya sa loob ng ganoon kahabang panahon. Iyan ang silent lang, pero tunay na fan.

Taped iyon, alam na ni Ate Vi ang totoo bago ilabas sa TV. Pero hindi niya sinabi kung ano ang kinalabasan, basta ang sabi lang niya “cute ang istorya.”

MMFF entries, kaunti lang ang pinagpilian

Sayang at kung kailan pa naman naging chairman ng selection committee ng MMFF ang mahusay na aktres na si Boots Anson Roa-Rodrigo at saka naman panahong wala halos pelikulang mapagpilian.

Hindi gaya ng dati na kung minsan halos 40 na pelikula ang gustong sumali sa MMFF, ngayon kung ano na lang ang natapos, at karamihan ay maliliit na pelikula, o indie lamang iyon dahil wala rin naman ibang pagpipilian.

Isa rin ito sa mga festival na aangalan ng theater owners, wala kasing pelikulang pambata, at iyang mga ganyang klaseng pelikula ang lagi nang top money makers ng festival. Panahon iyan ng Pasko, at sino ba ang maraming pera kung ganyang panahon, ‘di ba ang mga bata?

Pero hindi na rin nila inisip iyon, kasi nga hindi naman ine-encourage na papasukin sa sinehan ang mga bata sa kasalukuyan dahil hindi pa naman tayo umaabot sa pagbabakuna sa mga bata talaga, at dini-discourage pa nga ang paglabas-labas nila kahit pinapayagan na.

Nakita na natin ang epekto noong wala pang pandemya, walang limitasyon ang pagpasok sa sine. Naglabas sila sa festival ng puro indie, hindi ba nalugi? Eh ngayon, puro indie rin, idagdag mo pa ang restrictions, ano ang aasahan mong mangyayari, “himala.”

Dating sexy actor na bading, nagre-recruit para gumawa ng kahalayan

Nagre-recruit daw ng sexy male stars ang isang dati ring sexy male star din na noon pa may reputation na isa ring gay, para raw sa isang proyekto. Marami tuloy ang ispekulasyon kung anong project ang kanyang gagawin at puro sexy male star ang hinahanap niya.

Ang sabi ng mga Marites, iyan daw dating sexy male star na iyan ay may contact sa guma­gawa ng sexy videos at sinasabi niyang noon ay nakagawa na rin siya at malaki ang ibinayad sa kanya. Baka nga raw siya na ang recruiter ng talents na papayag gumawa ng sex videos, gaya ng ginawa niya noon.

 

VILMA SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user