^

PSN Showbiz

Babaeng personalidad, pinagpapawisan ng malapot ‘pag natutukan ng camera

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang pinagsama-samang kuwento ng aming mga impormante tungkol sa isang kontrobersiyal na female celebrity. Hindi siya artista, pero parang ganu’n na rin, dahil palagi siyang laman ng mga pahayagan.

Gustung-gusto siyang pinipitik hindi lang sa social media, maging sa mga tsismis kolums ay umaariba rin siya, may kakaiba kasing dating ang babaeng celebrity.

Kuwento ng unang impormante, “Ibang klase siya, tatahi-tahimik lang siya, pero mahilig siyang umeksena! Mapaghanap siya ng attention, matindi ang inferiority complex niya, pero ang ending, nagiging superiority complex na ‘yun!”

Sabi naman ng ikalawang source, “Ay, ibang klase ang girl na ‘yun! Nagkahawahan na sila ng ugali ng husband niya, matigas na rin ang kanyang ulo!

“Kung ano ang gusto niya, e, ‘yun ang kailangang mangyari, wala ring nakapipigil sa kanya! Sa hindi niya pakikinig, e, ayun! Palagi siyang nega! Palagi silang nega ng asawa niya!”

Pero rock na rock ang kuwento ng ikatlong source, ang kuwento naman nito, “Kunwari, e, tahimik lang siya, ayaw niyang nagpapa-interview! Pero ang totoo, e, hindi niya alam ang sasabihin niya kapag sunud-sunod na ang tanong sa kanya!

“Iwas na iwas siya sa mga interview, kapag paparating na ang media, e, bigla na lang siyang nawawala! Kapag nagkataong nandu’n pa rin siya sa tabi ng husband niya, e, isa lang ang sinasabi niha, ‘Siya na lang ang kausapin n’yo, huwag na ako,’ sabay nguso sa asawa niya!!!

“Pinagpapawisan kasi siya nang malapot kapag humaharap siya sa mga camera. Hindi niya kaya ang interbyuhan, nagtatago siya!” sabi ng aming source.

Sa mga pag-iikot ngayon ng kanyang mister sa malalayong probinsiya ay hindi naman talaga dapat sumasama si misis. Panira raw kasi siya, nagiging nega ang dating ng asawa niya, dahil sa pagiging sosyalera niya.

“Pero ano ang magagawa ng grupo, e, sa gustong sumama ni misis sa mga pag-iikot nila? Gusto ba nilang sumimangot nang maghapon ang girl?

“Kaya ayun, kahit hindi naman dapat siya kasama, e, napipilitan na rin ang team ng husband niya na isama siya! Nakakaloka ang girl!

“Tingnan na lang natin kung saan dadalhin ng kapalaran ang pangarap ng mister niya! Matayog ang lipad ng saranggola ni ____(pangalan ng sikat na male personality)! Super-tayog!” tawa nang tawang pagtatapos ng aming impormante.

Ubos!

Vice nagagalit sa bashers kahit sa loob ng simbahan

Kahit buksan pa ang aming puso ngayon ay hindi kami galit kay Vice Ganda. Walang dahilan para magalit kami sa kanya. Hindi galit, awa ang nararamdaman namin para sa sikat na komedyante, nangangailangan siya ng simpatya.

Bibihira ang tulad ni Vice Ganda na sa kabila ng pagiging mabait sa kanya ng kapalaran na lahat ng pangarap niya ay ibinigay na sa kanya ay parang kulang pa rin.

Sa pagkakaalam kasi namin, ang taong pinagpapala at binibiyayaan ay maligaya na sa kanyang posisyon. Sa halip na magtungayaw at manakit ng kanyang kapwa ay nananahimik na lang siya.

Hindi niya ipinagmamayabang ang kanyang salapi para maliitin at laitin ang mahihirap. Hindi rin niya ipinagmamalaki ang kanyang karelasyon para ipamukha sa ibang tao na walang nagmamahal sa kanila.

Nagpadala sa kanyang emosyon si Vice Ganda. Napakasakit ng mga pinakawalan niyang salita laban sa kanyang mga bashers. Sumusugat ‘yun nang napakalalim.

Sinagot na lang sana niya ang mga isyu, hindi niya dapat pinersonal ang mga bashers, alam niya naman na sa mundong pinasok niya ay hindi maiaalis ang mga kumokontra.

Hindi maganda sa panlasa ang ginawa ni Vice. Kahit ang mga kababayan nating naaaliw sa kanyang pagkokomedya ay biglang nagising sa katotohanan, nakiki-bash na rin sa kanya, pinpupupog siya ngayon dahil sa kanyang pagmamayabang.

Sabi ng isang kaibigan namin, “At ginamit pa niya ang simbahan para sa panglalait niya. Gusto raw niyang ipagdasal ang mga bashers para maging mayaman at masayang tulad niya!

“Nagpupunta tayo sa simbahan para magpasalamat sa mga tinatanggap nating blessings, humihingi rin tayo kapag tayo’y may kailangan, hindi tayo pumupunta sa simbahan para manglait!” sabi nito.

Sabi naman ni prop, “I used to tell you that she serves as my happy pill, naaaliw ako sa brand of comedy niya. Pero nu’ng mapanood ko ang Tiktok video ni Vice Ganda, ayoko na sa kanya.

“Hindi bale nang wala akong happy pill ngayon, hindi bale nang maburyong ako sa ikot ng buhay ko sa pagtuturo, kung katulad lang naman ni Vice na manglalait at mayabang ang mang-aaliw sa akin!

“Kailangan nang putulan ng dila ang taong ‘yan. Mapanglait siya, maangas, walang awa sa maliliit!” napakadiing sabi pa ni prop.

VICE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with