^

PSN Showbiz

Dennis, nasa bahay lang lagi para alagaan si Jennylyn!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Dennis, nasa bahay lang lagi para alagaan si Jennylyn!
Dennis at Jennylyn
STAR/ File

Handang magkontrabida kay John Lloyd

Abala si Dennis Trillo sa pag-aalaga sa buntis niyang magiging misis, Jennylyn Mercado.

Sa finale virtual media conference ng Legal Wives natanong siya kung anong plano niya after Legal Wives aside from, of course, wedding nila : “Nandito lang ako sa bahay madalas, nag-aalaga ako kay Jen. ‘Yung work ko siguro mga ilang weeks pa pero ano lang ‘yun parang hindi ako kasali sa regular cast (sa serye) so mabilis lang ‘yun. Bukod dun busy akong mag-edit ng videos para sa YouTube channel and ‘yun ‘yung mga pinagkakaabalahan ko ngayon,” sagot ng aktor.

Ano naman ang plano nila this Christmas? “Plano for Christmas, wala pang solid na plano pero for sure magkakasama kami buong pamilya. Kung san man ‘yung magaganap hindi na ‘yun ang pinaka-importante basta ang importante magkakasama kami, ma-enjoy namin ‘yung quality time kasama ‘yung isa’t isa.”

Ah if ever naman na gagawa siya ng bagong project, gusto ba niya drama ulit o gusto niya ba na medyo iba muna?  “Gusto ko light naman. Gusto ko parang mga romcom, ganun basta ‘yung light malayo sa heavy drama. ‘Yung hindi ko kailangang umiyak ‘yung puro ngiti saka tawa at pagmamahal lang ‘yung mga mangyayari,” sagot niya.

Pero ok din sa kanya ang super kontrabida. “Gusto ko kamuhian naman ako, mga tao magalit sila sa ‘kin, hindi personal, sa character ko. Gusto ko ma-experience ‘yun, ‘yung tipong walang mabuting buto sa katawan.”

At ok pa nga sa kanyang magkontrabida kay John Lloyd Cruz. “Okay ako maging kontrabida ni John Lloyd ‘pag nagka-show siya dito sa GMA.”

Aminado kasi ang actor na maraming eksena sa Legal Wives ang nahirapan siyang gawin. “Napakarami hong mahihirap na eksena kasi ‘yung role ko rito bilang Ismael hindi lang siya ‘yung pangkaraniwang karakter na ‘okay gagawin ko ‘to kahit na ‘di ko pag-aralan ‘yung script, kahit na hindi ko i-check ‘yung background nung character, kahit na hindi ko i-check ‘yung relihiyon niya kaso itong character ni Ismael ano siya eh, madetalye, marami kang kailangan alamin bago mo magawa ‘yung mga eksena. Marami kang kailangan pag-aralan so siguro ang isa sa pinakamahihirap na eksena dun ‘yung mga eksena na merong mga Maranaw na salita dahil syempre ‘yun ‘yung mga salita na hindi kami sanay at buti na lang nandyan ‘yung mga tagapagturo namin. Nandyan ‘yung mga tumutulong sa amin sa set para i-correct lahat ang mga kailangan naming gawin,” mahabang kuwento niya.

At kung magkakaroon uli ng chance maka-travel uli since medyo nagkakaroon na ng konting normalcy ang sitwasyon sa buong mundo, saan nila gustong magbiyahe ni Jennylyn? “Well nami-miss na namin pumunta sa Amsterdam pero siguro dun.”

Na malabo pang mangyari dahil nga diumano ay maselan ang pagbubuntis ni Jennylyn.

JENNYLYN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with