^

PSN Showbiz

Jomari at Abby, gustong ilagay sa tahimik ang kanilang relasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jomari at Abby, gustong ilagay sa tahimik ang kanilang relasyon
Jomari at Abby.

Tatlong dekada na ang lumipas bago tuluyang nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Abby Viduya at Jomari Yllana. Matatandaang unang nabuo ang relasyon ng dalawa noong labinglimang taong gulang pa lamang silang pareho. “Made in Hong Kong kami. We were there with the other Gwapings (Mark Anthony Fernandez at Eric Fructuoso) for Bench and Regal Films for the promo of our movie, Gwapings,” bungad ni Jomari.

Hindi umabot ng isang taon ang relasyon nina Abby at Jomari noon. Hindi raw inakala ng aktor na muling magkakatagpo ang kanilang landas ni Abby. “In the middle of this pandemic, you appreciate each other, no matter what. I have my own imperfections, si Abby gano’n din. Pero everything seems perfect ‘pag magkasama kami. Very, very stressful ngayong panahon ng pandemic. I look at the imperfections of my partner. I came to a solution na ang imperfections ko at imperfections niya become perfect when we’re together. It makes us stronger as a couple,” makahulugang pahayag niya.

Matagal nawalan ng komunikasyon sa pagitan ng dating magkasintahan. Taong 2015 nang muling magkausap ang dalawa sa pamamagitan ng messenger.

Taong 2019 naman nang bumalik sa bansa ang dating aktres at mula noon ay nagkamabutihang muli ang dalawa. Ngayon ay napag-uusapan na rin daw nina Abby at Jomari ang paglagay sa tahimik. “Napag-uusapan namin ‘yan. Pero wala pa talagang plano. Malapit na kaming mag-half century. We are of the same age. Ang pinaplano namin sa buhay are no longer for ourselves. Para sa mga apo na namin. Ang gusto naming mailagay sa tahimik, ang relasyon namin. Something that we never thought noong kabataan namin, napag-uusapan na ngayon,” pagtatapat ng aktor.

JC, nagpaplanong tumira sa ibang bansa!

Matagal nang pinapangarap ni JC Santos na manirahan sa Australia. Kung mabibigyan ng pagkatataon ay gusto nang isama ng aktor ang asawang si Shy­leena at anak na si River Aletheia. “Nasa line-up ko pa rin siya just in case, kasi matumal (ang trabaho) ngayon. Parang mahirap talaga ngayon. Kumbaga, maraming plans of shooting pero wala actually nangyayari minsan. Tapos minsan, nauusog dahil sa mga protocol. If worse comes to worst, May plano. If ever, hindi pa alam kung this year or next year, eventually. We’ll see,” pagbabahagi ni JC.

Noong binata pa ay nagbalak na rin ang aktor na manirahan sa ibang bansa pero hindi naman ito natuloy. “Nagplano na akong tumira sa ibang bansa. As in nag-decide na akong mag-stay sa Hong Kong. Kasi akala ko mag-aasawa na ako no’n. I was 25 (years old) then and eventually may nangyari. Tapos nanaig ‘yung pangarap. Plano ko nang mag-stay doon na parang hindi na ako babalik ng Pilipinas kahit kailan. Mabuti na rin lang hindi natuloy,” pagtatapat niya. Reports from JCC

vuukle comment

JOMARI YLLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with