^

PSN Showbiz

Francine, may insecurities sa katawan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Francine, may insecurities sa katawan
Francine.

Katulad ng ibang artista ay mayroon din daw insecurities si Francine Diaz sa kanyang sarili. Ayon sa aktres ay hindi na lamang niya ito iniisip hanggang maaari. “Yes, of course. As much as I can hindi ko masyado pinapasok sa isip ko. Kasi ako payat ako, so may mga taong nagsasabi, ‘Ano ba ‘yan, ang payat-payat mo naman!’ Tapos no’ng siopao face or no’ng mataba ako before sabi nila, ‘Magpapayat ka nga!’ So parang ako ngayon payat na ako, o ano gusto n’yo, magpataba ako? ‘Pag mataba ako gusto n’yo akong papayatin. So nga­yon ang ginagawa ko, nagpo-focus ako sa goal ko na ano naman kung payat ako? Ang mahalaga, healthy ako, wala akong sakit and gagawin ko ang mga nakakapagpasaya sa akin. Although may mga insecurities pa din. Hindi naman maiiwasan ‘yon, that’s normal. Hindi ako makikinig sa sinasabi ng mga tao sa akin about my body,” paglalahad ni Francine.

Taong 2015 nang magsimula sa show business ang aktres. Mula noon ay kabi-kabila na ang nagawang proyekto kaya nakapagpupundar na rin para sa pamilya. Ang mga magulang daw ni Francine ang namamahala sa kanyang mga kinikita sa trabaho. “Siyempre sina mama tinutulungan nila ako sa ngayon. Sila naghahawak pero ‘pag mas lumaki-laki na ako, ‘pag kaya ko nang mag-handle ng mga finances, ako na ‘yon I don’t think super successful na ako ngayon. Kasi for me umpisa pa lang ito, papunta pa lang ako do’n, wala pa ako do’n. Parang wala namang eksaktong formula for me para maging successful ka. Basta as long as hindi ka naggi-give up and pinipili mo to keep on fighting. Then magiging successful ka,” pahayag ng dalaga.

Gian, naiibahan sa trabaho sa TV at teatro

Muling mapapanood si Gian Magdangal sa isang teleserye. Tatlong taon na ang nakalilipas nang huling nakagawa ng serye ang singer-actor.

Ngayon ay kabilang si Gian sa Viral Scandal na mapapanood na simula ngayong Nov. 15. Gu­maganap ang aktor bilang ama ng karakter ni Markus Paterson sa naturang proyekto. “My role here is very colorful. It was my first time meeting Markus here and we really connected very quickly because pareho kaming dad. He’s also at that time in his life that he’s really so proud to be a father. We connected in that way very much. I’m sure a lot of fathers out there na hindi perfect sila sa mga responsibilidad nila sa pamilya nila being a father. Ipapakita ko rin dito sa show kung ano ‘yung mga choices na napipilitan siyang gawin or kailangan niyang gawin para sa pagmamahal niya sa anak niya. Hindi madaling ma­ging tatay sa panahon na ito,” pagbabahagi ni Gian.

Bukod sa pagganap sa telebisyon at pelikula ay aktibo rin noon ang aktor sa pagganap sa teatro. Para kay Gian ay malaki ang pagkakaiba ng kanyang mga ginagawa sa entablado ng teatro kumpara sa taping para sa telebisyon. “In theater, it’s really a group work also making the scenes. But here you’re on your own most of the time and compared to my theater roles before. This is a very different role. Iba ‘yung dynamic nito and I had to prepare for a lot of other things and pull ideas from different experiences in my life which are very different. Usually nag-aahit talaga ako, hindi ako ganito. It’s fun and I’m enjoying it and I think that’s the most important thing, enjoying your co-actors and I can’t stress enough how thankful I am being able to do this,” paliwanag ng aktor. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

FRANCINE DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with