^

PSN Showbiz

Endorsement ni Jackie Chan, 435 million ang views

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Endorsement ni Jackie Chan, 435 million ang views
Jackie Chan
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagbabalik ang international superstar na si Jackie Chan sa fun commercial ng 11.11 Big Christmas Sale ng Shopee.

Yup, after nga ng kanyang 9.9 commercial para sa nasabing e-commerce platform na umabot sa 435 million ang online views, inilunsad na ang action-packed sequel nito kahapon kasabay ng kick off ng kanilang annual 11.11 Bug Christmas Sale, na ngayong 2021 pala ay mas lumobo pa ang number of sellers and brands ng 60%.

“Christmas holds a special place in Filipinos’ hearts. During this season of giving, Shopee Philippines hopes to make this year’s festivities even more memorable for both our users and sellers. As the holidays approach, we aim to bring more joy to shoppers and help them save more on things they love by curating the best deals. We’ve also pioneered efforts to expand our digital ecosystem to help more consumers, businesses, and communities access and benefit from e-commerce,” pahayag ni Martin Yu, Director at Shopee Philippines.

Kasabay ng nasabing big sale ang special appea­rance ng isa sa hottest K-pop boy bands para sa kanilang special TV show sa Nov. 11, 9:30-11:30 pm.. sa GMA 7 and Shopee Live. Mapapanood din dito sina Jessy Mendiola, Aira Bermudez, Rocco Nacino, Klea Pineda, Andre Paras, and Gil Cuerva.

Mamimigay rin sila ng mga papremyo na aabot sa ?12,000,000, kasama na ang two new house & lots and a brand-new car.

Grabe. Talagang ang isa sa bumulusok ngayong pandemya ay ang mga e-commerce dahil sa takot ng mga taong lumabas ng bahay.

JACKIE CHAN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with