^

PSN Showbiz

Ivana, todo ang pagtanggi na mayroong malisya sa kanila ni Marco

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Ivana, todo ang pagtanggi na mayroong malisya sa kanila ni Marco
Ivana.

Kamakailan ay pinag-usapan sa social media ang tungkol sa kontrobersyal na video nina Ivana Alawi at Marco Gumabao. Makikita kasi ritong magkasama ang dalawa na nagkakasiyahan. Ilang netizens ang napaisip kung mayroon ng espesyal na namamagitan kina Ivana at Marco dahil sa video. “No, no, and no. Never kaming nagkaroon ng kahit anong relasyon, romantic, wala,” paglilinaw ni Ivana.

Nilinaw din ng aktres na hindi lamang naman silang dalawa ni Marco ang magkasamang nagkakasiyahan noon. “Hindi lang naman date ‘yon na kaming dalawa. We’re friends, I was also with other friends and nasa bahay kami ng friend ko. Wala, as friends lang talaga. There’s nothing, hindi kami. Wala, para lang klaro sa lahat,” giit ng dalaga.

May bahagi rin sa video na makikitang napahawak si Marco sa hita ni Ivana. Wala naman daw itong kahulugan para sa sexy actress. “Alam n’yo guys, wala akong malisya. Kasi kahit sa mga friends ko, lahat sila yumayakap sa akin. Walang hipo-hipo, wala ‘yon sa akin. Basta hindi niya mahawakan ‘yung those parts, that’s a no. Baka masampal ko siya on the spot,” paglalahad ng aktres.

Jake, nagbasa ng libro ng pulitika bago gumanap na ama

Malapit nang mapanood sa Kapamilya Channel ang Viral Scandal na pinagbibidahan nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Miko Raval, Dimples Romana at Jake Cuenca. Ngayon lamang gaganap si Jake bilang isang ama na dalaga na ang mga anak sa isang proyekto kaya talagang napaisip daw ang aktor para sa bagong karakter. “Kasi maraming firsts for me. Siyempre father role, mas matanda na ‘yung daughters ko. Opportunity siya, challenge siya. Hindi siya ‘yung comfort zone ko na role. I really had to create a character from scratch. Tumingin ako sa salamin, inayos ko nang kaunti ang buhok ko. Sinabi ko sa reflection ko kung paano ko gagawin ito. Maganda rin naman kasi we were blessed with time,” pagbabahagi ni Jake.

Bilang paghahanda sa kanyang karakter ay kinailangan pa ng aktor na magbasa ng ilang libro tungkol sa pulitika. Nanood din ng maraming Senate hearing si Jake upang maging pamilyar dito. “Hindi naging madali para sa akin ito to be very honest. Ang daming challenges but I had to put my problems aside. If I don’t make it work then ang daming tao na hindi makakapagtrabaho at hindi makakapagpakain sa pamilya nila. So I had to put my problems aside and focus on work and remind myself na ilang buwan kong pinaghandaan itong role na ito. I didn’t just want to throw that away,” paliwanag ng binata.

Mayroon ding ilang bagay na natutunan si Jake habang ginagawa ang bagong serye. “Minsan may mga bagay na pinagdadaanan ka or siguro hindi madali ang sitwasyon para sa iyo. Pero minsan nangingibabaw dapat ang responsibilidad, ang obligasyon at commitment natin sa project,” makahulugang pagtatapos ng aktor. Reports from JCC

 

vuukle comment

IVANA ALAWI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with