^

PSN Showbiz

Kylie, hindi nakatulog nang masangkot sa car chase si Jake

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Kylie, hindi nakatulog nang masangkot sa car chase si Jake
Kylie.

“Sobrang nalulungkot po ako sa nangyari, and to be really honest, sinu-shoot ko po talaga ‘yung Sisid nu’ng nangyari ang incident na ‘yun. And hindi ako nakatulog,” kwento ni Kylie Versoza sa virtual mediacon kahapon ng digital movie na My Husband My Lover nang natanong tungkol sa kinasangkutang car chase ng karelasyong si Jake Cuenca.

“Parang nawala rin ako sa sarili ko dahil I was so worried and it took time for me to know the real story pero I just really feel bad for all parties involved,” dagdag pa ng beauty queen / actress na nagso-shooting sa Mindoro nang maganap ang nasabing insidente two weeks ago.

Sa kasalukuyan ay maayos na raw ang boyfriend. “Jake is getting better, he’s recovering, I’m happy na nagte-ta­ping siya ngayon, may show siya sa ABS-CBN”

Dagdag niya pa : “Naayos naman na po, I think the official announcement will be sometime next week. Okay na po. So, very unfortunate event lang siya for all parties.”

Sinabi rin niyang talagang tinutukan niya si Jake kahit nasa shooting siya that time. “Magkausap kami and happy ako na sinasagot niya pa rin ‘yung phone, na very responsive siya sa akin every time I would call. Tumatawag ako every hour to check up on him. I just fully support him and I know he’ll get through this.”

Anyway, super daring si Kylie sa My Husband My Lover.

Posible bang maging kaapid mo ang asawa mo? Ito ang posibilidad na titingnan ng beteranong direktor na si Mac Alejandre, sa kanyang bagong pelikula, ang My Husband My Lover na sinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee.

Kasama ni Kylie rito sina Marco Gumabao, Adrian Alandy and Cindy Miranda.

KYLIE VERSOZA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with