^

PSN Showbiz

JC, naramdaman ang malaking pinagbago ni Yassi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JC, naramdaman ang malaking pinagbago ni Yassi
JC at Yassi.

Muling nagkatrabaho sina Yassi Pressman at JC Santos para sa pelikulang More Than Blue na mapapanood sa Vivamax simula sa Nov. 19.

Matatandaang naging karibal ni Coco Martin noon ang aktor sa karakter ni Yassi bilang si Alyana sa teleyeryeng FPJ’S Ang Probinsyano.

Malaki ang pasasalamat ni JC kay Yassi dahil malaki raw ang naitulong sa kanya ng aktres habang ginagawa ang bagong pelikula. “I’m super happy dahil si Yassi ang nakatanggal ng takot ko sa shoot. Kaya naging relaxed na ako on the spot. Kasi at that time, she gave me everything that I needed in every scene and she was performing her soul in front of me. At that time I felt comfortable na the whole time and she made me comfortable performing for her,” nakangiting pahayag ni JC.

Aminado ang aktor na nakaramdam ng takot noong inaaral pa lamang ang karakter bilang si K sa naturang proyekto. “Natatakot ako kasi akala ko sa akin lang lahat ng hugot. Pero every time na magkaeksena na kami, ‘Ah okay, ito na ‘yung puso ng pelikulang ito. Ito na ‘yung genius ng writing niya. Kasi kailangan mo nang maayos na kaeksena at saka ‘yung naniniwala talaga kasi sobrang hirap nung materyal,” paliwanag niya.

Ayon kay JC ay malaki na rin ang ipinagbago ni Yassi bilang isang aktres mula noong huli silang nagkatrabaho. “Sinabi ko ‘to sa kanya sa set. Sabi ko, ‘Yung Yassi na kasama ko ngayon sobrang mature na siya emotionally. No’ng makita ko siya ulit parang biglang ang dami na niyang pi­nagdaanan. Eh two years ago lang ‘yon. She is different now, nawala na ‘yung … siguro dahil din sa validation, mas relaxed na siya ngayon,” paglalarawan ng aktor kay Yassi.

Markus, gagamitin lahat ng lakas para ipagtanggol ang kanyang mag-ina sa bashers

Isang taong gulang na ngayon ang anak nina Janella Salvador at Markus Pater­son na si Jude Trevor. Kapansin-pansin na madalas mag-post sa kanilang Instagram account sina Janella at Markus ng mga larawan ng kanilang supling.

Para sa aktor ay masayang-masaya siya bilang isang ama kaya ibinabahagi lamang niya ito sa publiko. “Para sa akin, as a new father, my whole life flipped upside down, so when it comes to social media, I can’t help but be proud of the family that I have, the beautiful boy that I have. Whatever I post, if people decide to say things or to think that it’s wrong to share that. If it might be too personal for social media, not for me. I’m just using social media to voice my emotions and to share my pride in my family,” paliwanag ni Markus.

Gagawin umano ng aktor ang lahat upang ipagtanggol o protektahan ang kanyang mag-ina kapag mayroong masasamang salitang ibinabato ang online bashers sa social media. “I would do everything in my power to defend them. I wouldn’t stand idly by because at the end of the day, everything that’s said on social media, regardless if we say na ignore lang natin ‘yan, don’t let it get to you. At the end of the day it does get to people eh. Just reading that stuff can really affect people mentally. It may ruin their day, it may ruin their month. I would defend them with all of my power, with all of my honor,” makahulugang paglalahad ng aktor. Reports from JCC

 

 

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with