^

PSN Showbiz

Richard, insane surprise ang belated gift kay Sarah!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Richard, insane surprise ang belated gift kay Sarah!
Sarah
STAR/ File

Ang bongga ng belated birthday gift ni Richard Gutierrez sa misis niyang si Sarah Lahbati. Green Jeep Wrangler. Around P4 to 5 million ang halaga nito ayon sa isang auto website.

May ribbon at flowers pa ang nasabing sasakyan nang tanggapin ni Sarah. Last Oct. 9 ang birthday ng misis ni Richard. “i’m not one to ask for material things (doesn’t mean i don’t enjoy them). i enjoy working hard for what i want. @richardgutz, i’m speechless. besides being the best dada to Zion & Kai, you make me feel like a queen even when i least expect it.

“i’m grateful to you for a lot of things, for this insane surprise… but mostly for your unconditional love, through ups and downs.  i love you. (sarge) green; the color of life, nature, balance, growth & prosperity.”

Naka-lock in pa si Richard sa taping ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan at this week pa lang sila magtatapos at magsa-swab bago ang exit sa taping.

Yasmien, matapang sa Las...

Matapang ang character ni Yamien Kurdi sa mag-uumpisang teleserye ng GMA 7 na Las Hermanas na kapalit ng Nagbabagang Luha.

“Matapang ‘yung character ni Dorothy (gagampanan niyang role). Siya ‘yung magbabalanse sa dalawang sisters niya para buo kami. Hindi niya hahayaan na magkawatak-watak ang Las Hermanas. Siya ‘yung responsable, siya ‘yung ate, siya ‘yung laging nag-a-advise, siya ‘yung laging uma-alalay at tumatayong magulang para sa mga kapatid niya,” aniya.

Gaganap na kapatid niya sina Faith da Silva and Thea Tolentino – Manasala sisters – na pinagbibidahan ni Albert Martinez.

“I am most proud of how all of us worked together,” Thea proudly beamed. “Walang nagsapawan ng eksena, lahat nagbibigayan at kapag sa times na hirap kami, nasusuportahan namin ang isa’t isa. Hindi lang sa aming mga actor, kundi pati na rin sa mga direktor at mga staff.”

“I feel grateful for the trust that they have given me in this amazing project.” ayon naman kay Faith. “For sure, I got really pressured especially lahat ng co-actors ko ay mga batikan at award-winning. And this is my first lead show, so the pressure was really there but I just did my part. I’m just really grateful na on or off-screen, iba ‘yung relationship namin nina Thea and Yasmien and I felt that I gained new sisters.”

Si Monti Puno Parungao ang director ng Las Hermanas.

SARAH LAHBATI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with