^

PSN Showbiz

Angeline, ayaw i-showbiz ang karelasyon

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Angeline, ayaw i-showbiz ang karelasyon
Angeline
STAR/ File

Masaya ang relasyon ni Angeline Quinto at ng kanyang non-showbiz boyfriend ngayon. Kinumpirma ng singer-actress na maayos ang estado ng kanyang buhay pag-ibig sa kasalukuyan. “’Yung boyfriend ng kaibigan ko, ‘yon ang kaibigan niya. One time nagkayayaang lumabas. Doon kami first time na nagkita hanggang sa nagtuluy-tuloy,” bungad ni Angeline.

Personal na desisyon ng dalaga na hindi bahagi ng show business ang bagong kasintahan upang hanggang maaari ay maging pribado lamang ang relasyon. “Gusto ko na mas private na lang. Kasi siyempre ‘yung trabaho natin masyado nang alam ng publiko,” giit ng singer.

Matatandaang naugnay din sina Angeline at Erik Santos ilang taon na ang nakalilipas. Sinubukan daw noon ng dalawa na maging magkasintahan pero ayon sa dalaga ay mas pinili nila ni Erik na maging matalik na magkaibigan na lamang. “Ginawa namin ‘yon. Kaya lang para kaming natatawa sa isa’t isa. Kaya sabi ko, ‘Pogs, ‘wag nating pilitin. Talagang magkaibigan lang tayo.’ Kasi minsan magi­ging sweet kami tapos matatawa na lang kami. Singer partner ko talaga siya. isa sa mga matatalik kong kaibigan sa industriya. Ang maganda sa amin ni Erik, sa sobra naming malapit na magkaibigan, lahat ng nangyayari sa buhay pag-ibig niya ay alam ko,” pagtatapat ng dalaga.

Francine, ayaw maging beauty queen

Kahit abala sa trabaho ay nagagawa pa rin ni Francine Diaz na isabay ito sa kanyang pag-aaral. Pangarap talaga ng aktres na makapagtapos ng kolehiyo kahit na kabi-kabila ang proyektong kanyang ginagawa. “Minsan sa lock-in taping namin kapag rest day, kahit ang hina ng signal do’n, pumapasok ako sa online class namin. Minsan kahit may taping meron akong ginagawa na mga Zoom na shoot din. Then after namin sa lock-in taping, meron akong mga naka-schedule na photo shoots. After no’n, hinahabol ko naman ‘yung mga na-miss ko na school works. Tapos one day may isu-shoot sa bahay then after that may exam week kami. And marami pa sa mga susunod na buwan. Basta mini-make sure ko na matatapos kung ano ‘yung pinaka-importante. For the day if meron akong work then work lang muna and then after that ‘yung pag-aaral na,” pagdedetalye ni Francine.

Isa sa may mga pinakamagandang mukha sa show business ang aktres. Marami ang nag-uudyok kay Francine na sumali sa mga beauty contest. “Actually minsan sina-suggest nila. ‘Bakit hindi mo i-try sumali sa pageant?’ Natutuwa ako na nasasabi ‘yung mga gano’n. But I don’t think that it is for me. Siyempre kung sasali ako sa mga pageant ng Binibining Pilipinas at Miss Universe, siyempre hindi lang naman ‘yung sarili ko ‘yung pinapakita ko. Dinadala ko ‘yung buong Pilipinas at lahat ng Pilipino. So thank you sa mga nagsasabi na pwede akong mag-Binibining Pilipinas but I don’t think it’s for me,” paliwanag ng dalaga. (Reports from JCC)

vuukle comment

FRANCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with