^

PSN Showbiz

Kaya pinapayagang magwaldas, Manny aminadong tinayaan noon ni Jinkee!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Kaya pinapayagang magwaldas, Manny aminadong tinayaan noon ni Jinkee!
Jinkee
STAR/ File

Anong magiging role ni Jinkee Pacquiao sa kampanya ng tambalang Sen. Manny Pacquiao and Cong. Lito Atienza sa pag-arangkada ng kampanya next month, tanong namin kay Cong. Lito?

“Simpleng may bahay na nagmamahal at alam ko namang mahal na mahal ni Jinkee si Manny alam ko rin na mahal na mahal ni Manny si Jinkee,” sagot ni Cong. Atienza na parang alam na niya kung saan papunta ang tanong.

“Napag-usapan na namin na si Jinkee eh napipintasan kung minsan na mas mamahalin ang mga kasuotan. Sabi niya ‘alam mo Ma­yor’, mayor tawag niya ‘si Jinkee tumaya sa akin ‘yan, walang-wala ako noon. I was earning four thousand pesos a month. Thirty thousand malaki na ‘yun pero pinakasalan niya ako. Ngayon marami na akong pera, marami na akong kinita gusto kong mag-enjoy siya, binigyan ko siya ng pera. Gusto ko talagang gastusin sa kaligayahan niya,’” sabi pa ni Cong. Lito.

Depensa pa ni Cong. Lito : “Isang mapagmahal na asawa si Manny ayokong pintasan n’yo, ayoko na sabihin na huwag mong gawin ‘yan. Pero ginawa ko sa misis ko kung kailangan maglaba ako gabi-gabi dahil ‘di niya ginagawa, gagawin ko nang walang reklamo. Kung ang misis ko nagsusuot ng gusto niyang bilhin e, ikatutuwa ko ‘yun. Na­tutuwa ako na pinapaligaya ko ‘yung misis ko. A happy wife is a happy life,” hirit / depensa niya sa pagsasama ng mag-asawang Sen. Manny and Jinkee.

Madalas sa bahay ng mag-asawang Pacquiao ngayon si Cong. Lito para pag-usapan nga ang mga plano nila sa 2022 kung saan nga sila ang magka­tambal at kumakandidatong presidente and bise presidente respectively.

Matagal ang kanilang pagiging magkaibigan / magtatay kaya ginive up ni former Mayor Atienza ang plano sanang retirement sa pulitika nang sabihin sa kanya ng retired boxing champion na  ‘I need your 50-year experience to make the life of the Filipinos better.”

Sinubukan daw niyang tumanggi pa pero hindi niya kinaya. “I tried my best to refuse Manny, so I prayed even harder the night before I was to give him my decision. At ang sagot ng Panginoon napakabilis at napakalinaw. That Manny has good intentions for your country, and you have to help him,’ kaya pumayag ako.”

So totoo bang madaling maniwala si Sen. Pacquiao sa mga bulong at madalas matigas ang ulo? “I tell you, Manny’s No. 1 quality is he listens, then he digests what he is told and advised and does what is right,” depensa pa niya sa boxing champion / pulitiko.

vuukle comment

MANNY PACQUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with