^

PSN Showbiz

K-idol, bawal ang panget na reputasyon!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
K-idol, bawal ang panget na reputasyon!
Kim Seon-ho
STAR/ File

Hanga naman ako sa kultura ng Koreans.

‘Yung talagang dapat ang idols nila ay maging best example para sa kanilang fans.

Naalala ko si Ji Soo, ‘yung BFF ni Nam Joo-hyuk, at si Kim Seon-ho, si good boy sa Start-Up at bida ng Hometown Cha Cha Cha.

Imagine na si Ji Soo nabalita lang na bully noong nasa middle school, inalis na sa projects at commercials.

Si good boy naman nabalita lang na nag-advice sa GF niya na magpa-abort, now, aalisin na sa ibang projects at mga endorsement.

Ganun ka-harsh, ganun kalupit. Walang double standard, dapat umayos ka dahil idol ka. Or kung may nagawa ka, tiyakin mo na hindi ito malalaman. Iyon ang sacrifice na dapat mong ibigay bilang isang celebrity.

‘Yung nasa peak ka ng popularity mo biglang magkakaroon ka ng problema. ‘Yung kay Ji Soo, middle school pa siya, bata pa siya, tapos hanggang ngayon pinagbabayaran niya.

‘Yung kay good boy, bumaligtad na ‘yung GF, nag-sorry dahil inilantad ang naging issue nila, pero naka-damage na sa career niya.

Bongga ‘di bah!

Kahanga hanga ‘di bah? Worth na gayahin ha!

Alden, hindi kuntento na walang diploma

Ganda naman ‘yung balak ni Alden Richards na magbalik school ‘pag hindi na siya busy sa showbiz. ‘Yung focus niya na tapusin ang college ‘pag hindi na ganun ka-hectic ang oras niya ay napakagandang example para sa lahat ng artista.

‘Yung magkaroon ng mas matatag na fallback dahil hindi naman forever ang showbiz. Imagine mo na ang ganda ng career plan ni Alden. Kahit puwede na siyang mabuhay ng comfor­table dahil sa laki ng kinikita niya, heto at gusto pa rin niya na mag-grow ang intelligence niya thru schooling.

Talagang iba pa rin ang disiplina ni Alden  compared sa ibang artista. Meron siyang focus. Meron siyang plano sa buhay niya beyond showbiz.

ALDEN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with