^

PSN Showbiz

Yassi, paniwala sa kanyang soulmate

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Yassi, paniwala sa kanyang soulmate
Yassi.

Naniniwala si Yassi Pressman na ang kanyang soulmate ay ang lalaking nakakakilala sa kanya nang lubos. Para sa aktres ay malaking bagay na talagang kasundo mo sa lahat ng bagay ang taong mamahalin mo. “Personally, ‘yung taong wala akong pinagtataguan ng kahit na ano. That means you are fully comfortable with them. Doon ko feeling na ‘yung soulmate ko, kilalang-kilala ako ng buong pagkatao,” makahulugang pahayag ni Yassi.

Hindi mahalaga para sa dalaga kung matagal na kayong magkakilala pero mas mabuti na nagkakaintindihan ang dalawang tao kahit na maikling panahon pa lamang na magkakilala. “Minsan ‘yung mga tao na kahit saglit mo lang nakasama, feeling mo buong-buo mo nang naibigay ‘yung puso mo sa kanila. Somebody you can laugh with. Somebody you can talk to. ‘Yung kasama mo kumain, kasama mo sa saya, kasama mo sa lungkot,” giit ng aktres.

Maraming sakripisyo na rin umano ang naranasan ni Yassi noong mayroon pang karelasyon. “Siyempre marami rin po akong nagawa for love. Sobra nga minsan, naisip ko masyado yata. Time that you lose for your family. Time that you lose for other opportunities. Lahat naman tayo gusto natin may mapuntahan lahat ng sacrifices natin from our past loves. Kasi ‘yon po ang iniisip natin na pang-forever na. Hindi mo rin siya maiisip na sayang kasi it brought you to a certain point in your life that changes your mindset or may lesson kang natutunan. So for me, ‘yung mga tiis and sacrifices na ‘yon ay worth it pa rin,” pagbabahagi ng dalaga.

Angeline, natakot nang mawalan ng franchise ang ABS-CBN

Sa loob ng sampung taon ay marami nang napagtagumpayan si Angeline Quinto sa show business. Ayon sa singer ay halos hindi niya maipaliwanag ang kaligayahan sa tuwing natutupad ang kanyang mga pinangarap lamang noon. “Ang highest point ng career ko ay ‘yung nakapag-concert po ako sa Araneta Coliseum. First time kong nakapag-concert, ‘pag sinabing Araneta Coliseum, iba. Nakapag-show naman ako before doon pero bilang guest. Iba din talaga ‘yung ikaw mismo ‘yung may sariling show,” paglalahad ni Angeline.

Para sa singer-actress ay ang pagkawala naman ng ABS-CBN sa ere ang pinakamalungkot na nangyari sa kanyang career.

Matatandaang nagsimula si Angeline bilang grand winner sa Star Power noong 2011. Mula noon ay nagtuluy-tuloy na ang pagsikat ng dalaga. “Ang lowest point ng career ko siyempre ‘yung nagsara ang ABS-CBN, no’ng shutdown. Doon ako napaisip na parang anong mangyayari. Normal na maisip mo ‘yon bilang isang Kapamilya. Saka ‘yung unti-unti na maraming nawala, hindi lang po sa celebrities kundi sa mga katrabaho ko din po. ABS-CBN kasi naging pangalawang tahanan ko na ‘yan. ‘Yan ang nagbigay sa akin umpisa ng pangarap ko,” nakangiting pahayag ng dalaga. Reports from JCC

 

 

 

vuukle comment

YASSI PRESSMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with