_ngayon
^

PSN Showbiz

Aj, social media detox muna!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Aj, social media detox muna!
AJ
STAR/ File

Tinanggal na ni AJ Raval ang ini-repost niyang statement ni Aljur Abrenica para kay Kylie Padilla. Dinagsa ng pambabatikos at matinding bashing si AJ dahil dun. Kaya nagsalita ito sa kanyang TikTok account na humihingi siya ng sorry sa ginawa niyang iyon.

Pati kay Kylie ay nag-sorry din siya, na hindi raw niya dapat ginawa iyon.

“Tinatawag nila akong kabit, tinatawag nila akong homewrecker, which is hindi naman totoo. Wala akong sinirang pamilya. Never ako maninira ng pamilya. Pati ang family ko nadadamay na… ‘yung parents ko. Nung una, tinatanggap ko pa ‘yung mga sinasabi sa akin ng mga tao. Pero ngayon nadadamay ‘yung family ko. Sobrang affected ako. Ang nanay ko nakikita kong umiiyak, naapektuhan ako dun.

“To be honest, wala talaga akong pakialam sa isyu nila before, nung narinig ko na ‘yun, never ako naglabas ng kahit na anong statement or what tungkol dun. Kasi wala talaga akong right na magsalita tungkol sa isyu na ‘yun. Silang dalawa lang ang puwedeng magsalita dun.”

Sobrang apektado na raw ang mental health niya. Pati ang pamilya niya ay ganun na rin, Kaya nag-decide na siyang tumigil muna sa social media.

Cong. Lito, pinagtanggol si Sen. Manny sa isyung nang-estafa ng p165 milyon

Ang abogado ni Sen. Manny Pacquiao ang nagsalita na sasampahan nila ng patung-patong na kaso si Jayke Joson, dahil sa mga sinabi niya laban sa senador at presidentiable.

Ngayon ay nagsalita na rin ang ka-tandem ni Sen. Pacquiao, ang Vice Presidentiable na si Cong. Lito Atienza.

Nakapanayam namin si Cong. Lito nung nakaraang Miyerkules at nakausap nga raw niya si Sen. Pacquiao na mangiyak-ngiyak sa ginawa sa kanya ni Jayke, at iba pang nag-aakusa laban sa kanya.

At dito raw siya nasaktan sa ginawa ni Jayke, dahil pinakisamahan daw niya ito, at tinulungan nung nangangailangan siya. Nilinaw din ni Cong. Lito na hindi Chief of Staff ni Sen. Pacquiao si Jayke, kundi lagi lang daw sumasama sa lahat ng lakad niya.

“Si Jayke Joson was always ay hanger on. “’Yung ‘pag may lakad si Manny nandun na ‘yun. ‘Pag meron may ganito, naroon na ‘yun. ‘Pag may imbitasyon kay Bob Arum, nandun na agad. Sabi nga hindi nga dapat siya nandun, nandun na siya.

“Sa ibabaw ng ruweda, ang mukha niya nandito, sa kabila naman ang mukha ni Chavit Singson,” pahayag ni Cong. Lito.

Masamang tao ang tingin ni Cong. Lito kay Jayke, dahil sa mabuting ipinakita raw ni Sen. Pacquiao, ‘yun pa rin ang isinukli nito.

“Kagabi halos maiyak si Manny sa akin,” pakli ng Congressman at tumatakbong Bise Presidente.

Sabi raw ni Sen. Pacquiao sa kanya; “Alam mo, ang hirap talaga makahanap ng tamang kaibigan. Pinabayaan ko silang dumikit sa akin. Ngayon sila ang sumisira sa akin.

“Nung katanyagan ko, para silang… kung puwede lang linisin nila ang sapatos ko araw-araw. Ngayon meron silang karapatan para tawagin akong manloloko, estapador? Ako? Eh siya ang estapador eh.

“Bagama’t ang estapador siya, pinabayaan ko siyang lumapit sa akin sapagkat maganda ang aking pagtrato sa tao,” saad ni Cong. Lito.

Kinontra niya ang kini-claim ni Jayke na 165M na tinangay diumano ni Sen. Pacquiao. “Hindi puwedeng si Jayke Joson ay kinunan ng 165M!” bulalas niya.

“Sabi lang ni Manny, ‘alam mo Vice, si Jayke Joson, kukunin ‘yung bahay niya. Hindi niya mabayaran, hulugan eh. That one point in time Jayke Joson was struggling, living a big house?

“Nung iniilit na ‘yung bahay niya, umiiyak ‘yan. ‘Wala na akong matatakbuhan boss, tulungan mo naman ako. Alam mo naman si Manny, malambot ang puso, mapagbigay.

AJ RAVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with