^

PSN Showbiz

Maricel, pinasilip sa EB ang malaking bahay

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Bumulaga si Maricel Soriano sa Eat Bulaga kahapon after a long time.

Guest si Maria sa Cash Landing On You segment ng EB. “Nakakaloka!” tili ni Maricel habang sinasabihan ang kanyang “cash army” o kasama sa pinakukuhang gamit o pagkain na nagsisimula sa letter T.

Walang social media account ang Diamond Star unlike ‘yung maraming artista ngayon. Pero may sarili na siyang vlog, huh!

Kung hindi kami nagkakamali eh ngayon lang ipinakita sa TV ni Maricel ang malaki niyang bahay, huh!

Of course, ang Eat Bulaga lamang ang show na malapit sa puso ni Maricel!

Maganda at fresh looking pa rin si Marya kahit nadagdagan ng timbang!

Ali at Pat-P, bubusisiin ang mga isyu

Makikita at maririnig muli ang komentaryo sa issues ni Ali Sotto matapos magbitiw sa dating radio program.

This time, makakasama ni Ali si Pat-P Daza sa programang Ano Sa Palagay N’yo? Mapapapanod ito mula Lunes Hanggang Biyernes, 8 to 10 a.m. sa Net25 TV, Youtube at Facebook page, Radyo Agila 1062 at Eagle FM 95.5.

Dala nina Ali at Pat-P ang detalyado at metikulosong pagbusisi sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.

“Maipaparamdam natin na first and foremost, Pilipino tayo,” ayon kay Ali.

“I want to take it to a softer point of view. Maraming isyu na hindi natin puwedeng palampasin. We want to know what’s happening para at least, meron tayong kaalaman kung paano natin puwedeng labanan ang mga nangyayari,” saad naman ni Pat P.

Fresh combination sa TV at radio sina Ali at Pat-P kaya naman makibahagi sa kanilang tatalakayin!

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user