_ngayon
^

PSN Showbiz

Alden, gustong pag-aralan ang ekonomiya ng bansa

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Alden, gustong pag-aralan ang ekonomiya ng bansa
Alden

Diretsahang nagpahayag si Alden Richards na mananatili siyang Kapuso hanggang sa katapusan ng kanyang showbiz career. “Loyalty begins and ends with gratefulness,” aniya.

Kahit saan ka man daw makarating, dapat ay mananatiling grateful ka sa lahat ng mga taong dumaan sa buhay mo, lalo na ‘yung naging bahagi ng iyong career.

Wala nang mahihiling pa si Alden sa kanyang showbiz career dahil hindi talaga siya pinabayaan ng GMA 7.

Pero ang gusto raw sana niya ay bumalik sa pag-aaral at makakuha ng diploma.“I’ve been working on lately. I’ve been studying and collecting data kung magkaroon man ako ng free time is to really finish school,” pakli ni Alden.

“Ang gusto ko kasi i-major is Business Economics, like stock market. Anything that involves ‘yung ekonomiya ng isang bansa. It’s very interesting to see and parang… with those knowledge kasi I will know that my country and other countries are performing well. Isa ‘yun sa plans ko in the near future,” dagdag niyang pahayag.

Gusto rin daw sana niyang matupad ang pangarap ng kanyang ama na makapagtapos ng pag-aaral. “Kung ‘yung mom ko po is ‘yung dream niya sa akin is to be successful in the field of entertainment, ‘yung dream naman ng diploma is for my dad. Siya naman ang may gusto na sabi niya, ‘J, RJ po kasi ang tawag niya sa akin, kahit anong mangyari tapusin mo ang pag-aaral mo.

“Ako naman bilang anak na mahilig mag-fulfill ng dreams ng magulang, ibigay ko na sa ‘yo,” napapangiti niyang pahayag.

Naniniwala ang Asia’s Multimedia Star na basta sumunod ka lang sa hiling ng magulang ay hindi ka maliligaw at mapapahamak. “Anything you do, and you do it for your family and your loved ones, and you put the Lord in it, you will be successful in that field,” pahayag ni Alden.

Proud si Alden sa The World Between Us na tinatapos na nila ang karugtong. Talagang masusi raw nilang pinag-aralan ang kuwento na walang butas at lalong magustuhan ng mga manonood.

Babalik na ito sa ere sa Nov. 15.

PPP, ‘di pa itutuloy sa sinehan

Finally, matutuloy na rin ang sisimulang campaign ng FDCP Chairperson Liza Diño na #NoodTayoNgSine. Pagkatapos in-announce na pinayagan na ang pagbubukas ng mga sinehan, kaagad nag-post ang FDCP Chair sa kanyang Facebook account.
Aniya; “CINEMAS ARE BACK! For the first time since the COVID-19 pandemic started, cinemas and theaters are finally allowed to reopen as the National Capital Region (NCR) shifts to COVID-19 Alert Level 3 starting October 16 as announced by Malacañang on October 13.

“The Film Development Council of the Philippines (FDCP) welcomes this development as the agency has also been lobbying for the cinemas to reopen by meeting with the Inter-Agency Task Force (IATF) last August 4 and with the Department of Trade and Industry (DTI) last October 8.

“Based on the guidelines on the pilot implementation of the government’s new COVID-19 alert level system, cinemas and movie theaters will be allowed to operate at a maximum of 30% indoor capacity for fully vaccinated individuals and 50% outdoor venue capacity.

“All cinema employees should also be fully vaccinated against COVID-19 and minimum public health protocols must be strictly followed.

“The FDCP, through its #NoodTayoNgSine campaign, will share with the public the safety and healthy protocols in the cinemas as soon as possible.

“Follow Nood Tayo Ng Sine for more updates.”

Ito naman talaga ang pinu-push ni Madam Liza, na sa sinehan ma-experience ang Pista ng Pelikulang Pilipino sa November. Pero mukhang hindi na raw nila kakayanin next month, dahil sa kapos na para sa promotions nito at may mga susundin pa raw silang protocols na ipinapatupad ng IATF.

Handang-handa na rin naman ang mga sinehan, dahil inayos nila ito dinesenyo para sa 30 percent na capacity at may maayos na ventilation para sa safety ng mga manonood.

Sana tuluy-tuloy na ito, para masaya na ang mga sinehan sa Metro Manila Film Festival sa December.

ALDEN RICHARDS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with