_ngayon
^

PSN Showbiz

Paolo ayaw nang sagutin ang ‘di pagpapatawad ni LJ

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Hindi na nagbigay ng komento si Paolo Contis kaugnay sa huling panayam kay LJ Reyes na lumabas sa 24 Oras.

Nagsalita si LJ tungkol sa pagpapatawad na sinabi niyang hindi madaling ibigay ang pagpapatawad sa isang tao. “You pray about it,” bahagi ni LJ sa zoom interview sa kanya.

Hindi pala napanood ni Paolo ang interbyung iyun. Nakita lang niya ang ipinadala kong article sa kanya.

Para hindi na nga naman lumaki pa ang isyu, tumanggi na siyang magbigay ng pahayag.

Miss na miss na raw niya ang anak niyang si Summer na lalong naging cute sa ipinost ni LJ sa kanyang Instagram account.

Ipinadala ko nga kay Paolo ang kuha ni Summer kasama si LJ, pero hindi na umimik ang aktor.

Feeling ko naiyak na lang siya.

Kylie paniwalang ‘pag hindi ukol ang pag-ibig, hindi bubukol

Puring-puri ng mga taga-We TV ang bida ng GL (girl’s love) romcom series na BetCin na sina Andrea Torres at Kylie Padilla, dahil talagang pinaghandaan at isinapuso ang role na ginagampanan nila.

Si Kylie si Beth at si Andrea naman si Cindy na tumatalakay sa relasyon nilang dalawa.

Bumilib sila kay Kylie na nagpagupit pa para sa role na ito, at sa script reading pa lang daw ay talagang ramdam na ramdam na nito ang pagiging lesbian. May mga natutunan na raw siya, na sana ay maiparating daw nila ito sa mga manonood.

“Yung social media aspect and a couple that going through break-up under the microscope ng social media. Napatanong din ako sa sarili ko sa personal life ko, ano ba nag impact ng social media sa buhay ko?

“Am I doing too much? Am I sharing too much? What is my truth and how I can make my life better, more productive and talents everything out. Yun ang natutunan ko talaga,” saad ni Kylie.

Dito rin daw niya napagtanto na kahit effort ang ibigay mo para sa pag-ibig, mawawala kung talagang hindi nauukol.

Iyun ang nakikita niya sa pagmamahalan nina Beth at Cindy o BetCin.

“They’re imperfect people, but they tried their best di ba? Pure ‘yung love nila, but it’s just that under their circumstances, ganun talaga. Minsan ang pag-ibig hindi talaga nagwu-workout.”

Simula ngayong gabi ay mapapanood na sa We TV ang bagong series na BetCin.

Hidilyn, laging nakakapit sa diyos

Ngayong araw din ay ilulunsad na ng Jolibee si Hidilyn Diaz bilang bagong brand ambassador.

Mapapanood na rin ngayon ang Kuwentong Jolibee nila na pinamagatang Ginto tampok ang inspiring na kuwento ng pakikibaka ni Hidilyn hanggang sa nakuha niya ang gold medal sa Olympics.

Maganda ang leksyong gustong ibahagi ni Hidilyn, pero ang isa rito ang ang pagkapit sa dasal at pananalig sa Diyos.

Sabi nga ng iba, bukod sa gold medal na nasungkit niya sa Olympics, matagal na niyang suot ang Miraculous Medal ni Virgin Mary, at hanggang ngayon ay isa siya sa mga Marians na patuloy na nagdarasal ng rosary at personal na relasyon sa Panginoon.

Bago raw siya lumaban sa Tokyo Olympics, isang kaibigan daw niya ang nagbigay sa kanya ng envelope na may lamang mga prayers at rosaryo.

“Nung time na iyun nag-rosary po ako. Nung laro ko, nagpi-pray po ako. May personal relationship po ako kay God, kay Mama Mary.”

Kaya sa lahat na mga tinuturuan daw niyang atleta, hindi lang ang tamang techniques sa laro ang tinuturo niya kundi ang buong pananalig sa Diyos na tulungan sa lahat ng laban nila.

LJ REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with