_ngayon
^

PSN Showbiz

Mark Anthony, kung saan-saan nakarating para magka-abs

ISYU AT BANAT! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Mark Anthony, kung saan-saan nakarating para magka-abs
Mark Anthony
STAR/ File

Isa kami sa natutuwa sa pagpupursige ni Mark Anthony Fernandez na bumalik ang ganda ng katawan niya.

Kaya napapapayag siyang gawin ang daring scene sa pelikula nila ni Claudine Barretto na Deception. Ayaw lang niyang ikuwento  kung ano ang eksenang ginawa nila ni Claudine dahil nasa ending daw ‘yun, at bumilib siya kung paano na-handle ni direk Joel Lamangan ang eksena.

Magmula nung pumutok ang pandemya ay nagsimula siyang mag-ensayo para mabawasan siya ng timbang at bumalik ang ganda ng katawan. Medyo nahirapan daw siya nung kahigpitan ng quarantine, kaya kung saan-saan daw siya nagha­nap na mapag-eensayuhan hanggang naglagay na siya sa bahay niya. “Mula nun..mga 900 days na araw-araw. Nung height ng COVID, problema ko saan ako mag-ensayo? Naghanap talaga ako kung saan ako mag-ensayo. Mag-900 days na ako na nag-ensayo. May time na umabot na… kasi bawal ang ganito, bawal ganun. Mabuti nagbukas na uli, umabot na bumili pa ako ng basketball ring, para makapag-ensayo lang nang maayos,” pakli ni Mark Anthony nang makatsikahan namin sa DZRH nung nakaraang Martes para sa promo ng pelikula niyang House Tour na mag-streaming na sa Vivamax sa Oct. 22.

Ipinakita nga niya ang 3-pack abs niya. Pero tuluy-tuloy pa rin ang ensayo niya dahil 6 packs ang target niya.

Ang co-star nga niya sa House Tour na si Marco Gomez ay sobrang namangha kay Mark Anthony na napakabait daw sa kanya.

Hindi napigilang purihin ni Marco na nandiyan pa rin ang kaguwapuhan ng aktor. “Nung una kasi sobrang pressured ako, kinabahan ako nun. Pero nung nag-shoot na po kami, ang gaan pala ni Mark Anthony and it was very fun working with him, sobra.

“Grabe! Iba talaga guwapo talaga ni Mark Anthony. Hindi ko alam parang…” natawa na lang si Marco nang dinugtungan kong naba­bading siya kay Mark Anthony.

Dito nga sa pelikulang House Tour ay nagpaka-daring si Mark Anthony, at meron daw silang mainit na love scene ni Cindy Miranda. Para sa kanya, ito raw ang pinaka-daring na nagawa niya.

Natawa na lang nga siya nang tinanong namin kung tinablan siya sa eksena nilang ‘yun ni Cindy. “Meron kaming super daring na eksena na super seksing si Cindy Miranda. Naka-love scene ko na sina Joyce Jimenez, G Toengi, Claudine, pero si Cindy po ang isa sa umaatikabong love scene ko ever,” Napapangiti niyang pahayag.

Klea, hindi naapektuhan sa selosan nina Jak at Barbie

Hindi  kinagat ang ilang nang-iintrigang may selosang naganap kina Jak Roberto at Barbie Forteza, pagkatapos ng taping ng Never Say Goodbye ng Stories From The Heart.

Si Jak ang leading man dito ni Klea Pineda, at ngayon pa lang sila nag-partner sa isang project, pero nakitaan sila ng chemistry na bumagay sa kuwento.

Mapapanood na ito sa afternoon drama ng GMA 7 sa darating na Lunes, Oct. 18, pero kamakailan lang ay may tsikang nagseselos daw si Barbie.

Kaya lang,  nakikita naman sa lahat na ipinu-post ng aktor na talagang nagku-comment si Barbie at suportado niya ang lahat na ginagawa nito.

Kuwento nga ni Jak sa nakaraang virtual mediacon ng Never Say Goodbye; “Lahat ng ginawa kong project simula nang naging kami, sobrang supportive niya. And even ako nga nagda-doubt na ako minsan kung hindi ba talaga siya nagseselos. Minsan tinatanong ko siya, kung okay lang ba sa ‘yo. Puwede ko naman i-avoid. Puwede ko naman hindi pirmahan ‘yung waiver ng mga kissing scene.

“Alam mo ‘yung trabaho lang, and at the same time ‘yun ang magagandang bagay na parehas kaming artista. So, naintindihan namin ‘yung trabaho namin.”

Kahit si Klea ay hindi rin naniniwalang may selosan sa dalawa. Nakarating daw sa kanya ‘yung sinasabing nagwa-warning daw si Barbie dahil may mga nangyayari sa lock-in taping. Pero alam niyang walang problema sa magkasintahang Jak at Barbie. “Sigurado naman ako na nagdyu-joke lang si Barbie dahil alam ko naman na very professional na aktres si Barbie.

“Totoo marami nagkakadebelopan sa lock in taping, pero walang kahit anong nangyari o kahit anong personal na bagay na nangyari sa lock in taping dahil lahat kami dun naka-focus sa trabaho, and gusto namin matapos ‘yung trabaho nang maayos,” pahayag ni Klea Pineda.

MARK ANTHONY FERNANDEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with