_ngayon
^

PSN Showbiz

Walang breath analyzer, Jake ‘di makasuhan ng anti-drunk!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Walang breath analyzer, Jake âdi makasuhan ng anti-drunk!
Jake Cuenca

Matapos kasuhan ng Mandaluyong Police si Jake Cuenca ng Reckless Imprudence Resulting To Da­mage of Property at Disobedience to Persons in Authority, balak pa pala sanang dagdagan ng kaso ang aktor ng paglabag sa Anti-Drunk and Drugged Driving Law dahil nakainom daw ito nung nakaraang Sabado.

Hindi lang pala makasuhan ang aktor dahil sa nung nahuli ito ay wala naman palang breath analyzer o breathalyzer ang mga pulis para ma-check kung gaano kataas ang alcohol sa katawan nito.

Inilahad ito ng Director ng Eastern Police District na Brig. Gen Matthew Baccay nang makapanayam siya sa programa nina Ka Tunying Taberna at Gerry Baja sa DZRH nung nakaraang Lunes ng hapon. Aniya; “After the arrest, dinala siya ng mga kapulisan sa Mandaluyong Medical Center. However, it turned out wala silang any facility to conduct liquor test. ‘Yung Breath analyser, wala sila. We coordinated with crime lab, wala din. Hindi namin siya na-subject to the proper medical examination.”

Nakainom daw si Jake nang mahuli nila ito at nakita raw nila ang walang laman na bote ng red wine sa kotse ng aktor.

Sabi pa ni Police Brig. Baccay, naintindihan daw niya si Jake na ang initial reaction nito ay tumakbo at hindi tumigil dahil sa naka-civillian kasi si Major Ballesteros na siyang humabol sa kanya.

Hindi niya natitiyak kung ano ang gagawin sa kanya. Pero sa ‘di kalayuan ay may police outpost daw na kung saan ay pinaparahan din siya ng pulis, pero tumuluy-tuloy pa rin ito.

Merong isinasagawang Marijuana operation sa lugar na ‘yun, na kung saan ay nakakuha roon ang mga pulis ng 31 kilos na Marijuana. Kaya hindi rin maiwasang magkaroon ng suspicion sa kanya ang mga pulis.

Aminado rin siyang maaa­ring may mali rin ang mga pulis na pinaputukan pa ang sasakyan ni Jake, pero ‘yun na raw kasi nagawang desisyon ng mga pulis dahil meron silang isinasagawang police operation sa lugar na ‘yun na dinaanan ni Jake.

Nilinaw naman nilang wala talagang kinalaman si Jake doon sa operasyong ginagawa ng mga pulis. Napadaan lang daw talaga si Jake. “Admittedly it’s a lapse of judgment on the part of respon­ding policeman ‘yung paputukan ‘yung sasakyan.

“I think in our SOP, does it require, does it allow, but sometimes judgement call na tinatawag, basta yung matapos lang nila yung na-recover ‘yung 31 kilos na Marijuana, ang dami nun. They were thinking maganda ‘yung sasakyan, so baka they might have connected dun sa pagtakbo niya, Iyon pala he has nothing to do with it,” patuloy ng Director ng Eastern Police District.

Kung tumigil na lang daw sana si Jake, hindi na umabot sa ganung gulo.

JAKE CUENCA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with