^

PSN Showbiz

Christian, walang tiwala msa sariling memorya

SHOWBIZ NEW NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Christian, walang tiwala msa sariling memorya
Christian
STAR/ File

Bago naging premyadong aktor ay maraming mga napagdaanang hirap si Christian Bables pagdating sa pag-arte. Masayang inalala ng binata ang mga panahong nagsisimula pa lamang siya sa show business. “Ang dami kong dreams na natutulungang matupad nitong Star Magic workshops. More than the learnings, feeling ko ang pinaka-blessing sa akin sa pagpasok sa Star Magic workshops is ‘yung pagiging pamilya namin. Kung hindi ‘yan naniwala at sumuporta sa akin, siguro wala ako rito ngayon. Before wala akong pambayad ng workshops. Ang laki ng pasasalamat ko sa kanila,” nakangiting pahayag ni Christian.

Ayon sa binata ay talagang baon pa niya hanggang ngayon sa lahat ng proyektong ginagawa kung ano ang mga natutunan mula sa Star Magic workshops sa pamamahala ni Rhyan Carlos. “Believe it or not, meron pa rin akong papel na binigay sa akin sa workshop. Every time na may shooting ako or taping dala ko ‘yun, guide ko ‘yon eh. Hindi ako makapag-rely sa sarili kong memory. May guide pa rin akong sinusunod just to make sure,” pagtatapat ng aktor.

Mayroong isang bagay na hinding-hindi makalilimutan si Christian na kanyang natutunan mula kay direk Rhyan. “Never kong aalisin sa akin ‘yung sinabi niya, ‘Acting is just a lifestyle of learning,’ at ‘yung ‘You’re just as good as your last work.’ For me it’s very true as an actor. I can impart my knowledge sa acting, my process as an actor. But I can never stop learning. Kasi once na tinigil ko ‘yung pagtanggap ng bagong learnings, everyday may nadi-discover ka sa sarili mo eh, at ‘yun ang turo ng workshop. To help you be grounded kumbaga,” pagbabahagi ng binata.

Ate Vi, gustong gumawa ng makabuluhang pelikula

Kumpirmadong magpapahinga muna sa pagiging politiko si Congresswoman Vilma Santos-Recto sa susunod na taon. Matatandaang sinabi ng Star for All Seasons kamakailan na pag-iisipan niyang mabuti kung muli siyang maglilingkod bilang isang politiko sa 2022. “After careful consideration of the present situation especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic. I have decided not to seek any elective position in the May 2022 elections. Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo,” pahayag ni Ate Vi.

Mahigit dalawang dekada nang nanunungkulan sa gobyerno ang actress-politician. Narananasan na ni Ate Vi na maging Alkalde at Gobernador na parehong tatlong termino.

Sa kasalukuyang ay Korgresista naman para sa ika-anim na distrito ng Batangas ang aktres. “I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve in the best way I can even in my private capacity. Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo. Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming, maraming salamat po. Pagpalain tayo ng Poong Maykapal,
 paglalahad ng Star for All Seasons.

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto muling makagawa ng aktres ng mga makahulugang pelikula pagkatapos ng kanyang termino sa susunod na taon.(Reports from JCC)

CHRISTIAN BABLES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user