_ngayon
^

PSN Showbiz

Nora, naudyukang pumasok uli sa pulitika

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Nora, naudyukang pumasok uli sa pulitika
Nora

Ang agang nagdagsaan ng mga nag-file ng kanilang Certificate of Candidacy kahapon. Kaya aligaga ang media sa pag-cover sa mga nagdatingang iba’t ibang personalities.

Isa sa maagang dumating sa Sofitel ay ang original Superstar Nora Aunor na 1st nominee sa bagong partylist na NORA A o National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.

Sabi ni Ate Guy; “Sa mahigit 50 taon ko po sa entertainment industry ay marami pong umudyok sa akin na pasukin po ang public service. Ito na po siguro ang tamang pagkakataon para po pagbigyan ko ang mga taong nagsusulong at naniniwala sa akin na ako po ay makakatulong lalo na po sa mga nangangailangan.”

Isa na nga raw dito ay ang mga taga-movie industry na nagtatrabaho sa harap at likod ng kamera. “Sa tagal ko na po sa industriya ay naging saksi po ako sa hindi magandang trato sa mga naging kasamahan ko sa trabaho lalo na po ang mga maliliit na manggagawa. Bukod sa hindi po nababayaran ng tama ay hindi po naibibigay ang nararapat para sa kanila,” sabi pa ng Superstar.

Gusto rin daw niyang tutukan ang mga senior citizen, mga OFW, ang mga kabataan, ang LGBTQIA+, mga magsasaka, frontliners at iba pa.

Isa pa sa maagang nag-file ay ang akor na si Arjo Atayde na  tatakbong Congressman ng District 1 ng Quezon City.

Sinamahan siya ng kanyang magulang na sina Art Atayde at Sylvia Sanchez na nagsumite ng kanyang COC sa COMELEC-NCR sa Intramuros, Manila. Dumating din doon si QC Mayor Joy Belmonte para i-endorse.

Mensahe ni Sylvia sa kanyang anak, “Suportado kita anak. Kung papalarin kang manalo, magsilbi ka ng tapat at totoo. Huwag na huwag ka manloloko o magnanakaw dahil ‘pag ginawa mo ‘yan, ako mismo ang kakastigo sa ‘yo.”

Sabi naman ni Arjo; “Pagsisilbihan ko nang tapat ang District 1 ng Quezon City. Hindi ko lolokohin ang mga kababayan natin at ‘di ako magnanakaw.”

Kapag papalarin daw siya sa darating na eleksyon, ang una raw niyang sosolusyunan ay ang pagbaha sa West Riverside.

Isa sa nagsumite rin ng COC ay si Karla Estrada na nagri-represent naman ng Tingog Partylist ng mga mga Waray.

Samantala, pinuri naman si Willie Revillame sa kanyang pag-atras na tumakbo. Naging totoo siya sa kanyang mga pahayag sa Wowowin na kung sakaling manalo siya ay baka lait-laitin lang daw siya kung wala naman daw siyang alam sa mga batas.

Kagaya nga ng sinabi rin sa amin noon ni Michael V., na may mga nagkukumbinsi sa kanyang tumakbo, pero ang kinatatakutan daw niya ay kung ano raw ang gagawin niya kapag manalo siya.

Naka-text ko rin si Cong. Vilma Santos-Recto kahapon, at sinabi niyang magiging abala pa rin daw siya at patuloy sa pagtulong kahit wala na siya sa posisyon bilang Congresswoman ng lone district of Lipa.

Ang asawa niyang si Sen. Ralph Recto ang tatakbong
Congressman, at nandiyan naman daw siyang aalalay.

“Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo lalo na kung Congressman si Ralph. But may time na siguro ako to entertain my showbiz career… TV show, movie or indie, plus my vlog hehehe…

“Again, depende sa panahon. Really pra­ying matatapos na pagsubok ng COVID na ito,” pahayag ni Cong. Vi.

Ang gusto lang iparating ng Star for All Seasons sa lahat na mga loyal na sumusubaybay sa kanya;  “Kung may kailangan kayo at kakayanin ko… sa abot ng aking makakaya, nandito lang ako para sa inyo. Hindi lang ako puwedeng umikot buong Pilipinas na may pandemic pa, kasi ilalayo nila ang mga taong lalapit sa akin lalo na matatanda at bata na siguradong lalapit at aakap sa akin.

“Kadalasan naitutulak sila palayo. Modesty aside, nakadikit pa rin ang artista sa tabi ko… si Vilma Santos.

“Mag-iingat lang sa umpisa pero sa dulo po, mahirap din pigilan ang mga lalapit. Kailangan na­ting mag-ingat, hindi para sa sarili kundi para din sa ating mga kababayan.

“Hindi pa ligtas ang lahat sa COVID o variants. Kampanya ay importante pero kalusugan ang mas imporante sa akin, para sa lahat. Ingat din kayo. Hindi na tayo bumabata.”

NORA AUNOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with